-----DOS------

366 9 0
                                    

HINDI LAHAT, NAKAKARAMDAM SAKANILANG PRESENSYA

Lumipad si Tagapagtanggol pababa sa lupa. Nakita niya na naguusap ang babaeng kanyang iniligtas at ang kanyang ina.

Bakas sa muka ng kanyang ina ang tuwa na naramdaman niya na hindi man lang nagalusan ang kanyang anak—si Hannah.

Nakita siya na nakahiga malapit sa fireexit, umatake ang asthma niya ng dahil sa usok na bumalot sa boong paligid ng dahil sa pagsabog ng bomba.

Hannah: Ma…

Ina: Anak, natutuwa ako’t gising ka na. ahh kamusta yung pakiramdam mo?

Hannah: nagugutom ako…

Ina: ah ganun ba? Pasenxa ka na hindi pa ako nakabili ng pagkain… sige iwan muna kita? Anong gusto mong pagkain?

Hannah: Kahit ano po..

At umalis na nga siya.

Bakas sa boses ni Hannah na ng hihina parin siya. Bata palang kasi siya noon nung nagsimula ang asthma niya. Hindi siya nagagamot sa kabila nito, ayaw kasi niya na nakikitaan siya ng anumang bakas ng kahinaan. Lumaki siyang matapang na babae sa kabila ng pagiging hikain niya, na sa bawat angas na pinapakita niya tinatago niya ang tunay na kahinaan sa sarili niya.

Hannah

Bata pa lang ako… mahilig na ako sa figurine na angel. Angsarap-sarap kasi titigan ng kanilang mga muka… ang perfect tignan, noon hinihiling ko na sana angel na lang ako tulad nila… magaganda… busilak ang kanilang mga puso. Pakiramdam ko sa tuwing tinitignan ko sila… nagseselos ako… ano kaya ang pakiramdam ng malapit ka sa Diyos? Nakikita kaya nila ang Diyos? Ano kayang itsura niya? … simula nun nagkolekta na ako ng iba’t-ibang klase ng mga angels. Pinagiipunan ko pa yun noon. … at dahil din dun kung bakit ako napahamak… nakatayo ako sa harap ng stall ng mga angel figurines ng biglang...

Umupo si Tagapagtanggol sa tabi niya para matitigan pa niya itong mabuti.

“Ano bang meron sa iyo, bakit hindi ko matanggal ang sarili ko sa katititig sa mga mata mo? …. At bakit … hindi ko mabasa ang iniisip mo? … sino ka ba talaga? … anong meron bakit parang napakaespesyal mo? … tao ka bang talaga? … o kampon ng mga itim na angel … pero kung kampon ka… maari bang magkatawang tao ang mga itim na angel?”

Ng biglang napatingin siya sa lugar na kinakaupuan ni Tagapagtanggol, napayakap siya sa kanyang sarili na parang nilalamig. Kinalat ang kanyang titig na mistulang may hinahanap sa paligid.

“Ano ba itong kakaibang nararamdaman ko?”

Bumukas ang pinto at pumasok ang ina ni Hannah.

Ina: eto na yung mga dala kong pagkain.

Tapos inihain na niya ito para kay Hannah.

Ina: kumain ka ng madami ha, para bukas makapasok ka na. madami kang na-miss na lesson

Hannah: ha? … ilang oras na po ba akong nakatulog?

Ina: hindi lang oras anak… tatlong araw kang tulog.

Hannah: tat… tatlong araw?

“Tatlong araw? … ibig sabihin… bumagal ang paglipad ko”

Sa bawat matagumapay na misyon, nadadagdagan ang bilis ng kanilang paglipad mula langit papuntang lupa, sa bawat pagkakamali naman nila ay bumabgal ang paglipad nila pero hindi nila iyon namamalayan dahil sa langit ay walang oras na sinusunod, pero dahil sa C-lo vision nakakarating sila sa mismong oras na nakikita nila mula dito.

“Tagapagtanggol… kailangan mong maginsayo. Bumagal ang paglipad mo” –Rapahael.

“…Raphael” tapos muli siyang napatingin kay Hannah. Gusto pa sana niyang bantayan ito ngunit nabasa ng arkanghel ang kanyang isip at sinabing

NOTUS CERTANUS [season1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon