Natagalan bago nakabalik si Tagapagtanggol sa langit, naubos ang kanyang lakas sa pakikipaglaban… lalo na nung binahagi niya ang kanyang lakas sa driver na napahamak kani-kanina lang.
Ngunit pinilit parin niyang sundan si Hannah hanggang sakanilang bahay.
Mistulang mas bumagal ang kanyang naging galaw maging ang mga pangyayari sakanyang paligid. Umiikot ang kanyang paningin hangang sa hindi na nga niya ito nakayanan.
Nawalan ng malay si Tagapagtanggol sa anyong angel sa harap ng bahay nila Hannah.
...................................................................................................................................................................
TRES.
IKAW AY NATATANGI, NAIIBA.
Ng matapos ang araw ay may nakakita sa tagapagtanggol na nakahalupasay na sa lupa kaya naman siya na rin ang naglipad at nagbalik sa katawang-anghel niya sa langit
Inihiga siya sa kama na ang punda ay gawa sa ulap at sa lambot ng lumilipad na tubig ay nakapatong ang kanyang katawan upang manumbalik ang tunay na lakas niyang taglay.
Tagapagtanggol:
Pagmulat ng aking mata …nasa langit na pala ako.
Paggising ko, nagulat ako ng bigla kong makita ang mga lupon ng anghel de la gwardya sa aking tabi.
“Kamusta na ang iyong pakiramdam?” sabi ng isang babaeng anghel
Isa sa mga tagahangang anghel de la gwardya ni Tagapagtanggol.
Pero hindi niya ito pinansin.
Yumuko ang babaeng anghel sa pagkadismaya.
Nagipon ang mga anghel de la gwardya sa langit para sana magpasalamat sa naging sakripisyo ni Tagapagtanggol, dagdag pa dito sila ay nag-aalala sa napakalaking paglabag na kanyang ginawa.
“Nasaan si Raphael?”
Sa kabila nito, sinagot padin niya ang tanong ni Tagapagtanggol.
“Kausap ang mga Discorde”
“May kailangan kayong malaman”
Pinilit niya agad tumayo, ngunit nahilo siya bunga sa matagal na pagkakahiga.
“Huwag mong pilitin. Malaki ang iyong pinsala”
Hindi siya nagpapigil. Tumayo siya at pinilit hanapin si Raphael.
Nakita niyang nakayuko si Raphael sa harap ng tatlong Discorde, si Victoria Miranda at Ruiz, malamang ay… pinagtatangol muli ang kanyang kaibigan na Tagapagtanggol… sinusubukang isalba sa magiging paglilitis.
“Hanggang kailan mo ba ipagtatangol ang iyong matalik na kaibigan Rapahael?”-Victoria
“Pinalampas namin ang una niyang sala, pinaubaya namin sa mga angel de la gwardya ang siya ay kwistyunin, at pinaraya namin sa ilalim ng iyong kapangyarihan bilang iyong nasasakupan na siya ay disiplinahin” –Ruiz
“Ang hiling ko lang naman po, bago niyo pagdesisyunan na siya ay litisin, hayaan natin siyang magpaliwanag… maari pa naman natin itong pag-usapan… ang paglilitis ay hindi basta-basta… maaring maalis o mawala ang kanyang chansa sa pagiging isang arkanghel kung yan ay ating gagawin” –Raphael.
“May punto ang kanyang hinaing Victoria. Alam namin, saksi tayong lahat sa husay niyang taglay… ngunit nitong nakaraan tila ba may gumugulo sakanyang misyon” –Miranda
“Raphael… <yumuko siya bilang paggalang> …Discorde” –Tagapagtanggol.
Lumapit sakanya si Victoria. Nakahawak ang kanyang kamay sakanyang magkabilang braso at unti-unting umikot sa gilid ni Tagapagtanggol. Nakakatakot ang tingin ni Victoria, bilang isa sa mga hukom hindi sila karapatdapat magmukang mabait dahil ang lahat ng may sala… ay kailangan napaparusahan.
![](https://img.wattpad.com/cover/895613-288-k136590.jpg)
BINABASA MO ANG
NOTUS CERTANUS [season1]
RomansaANGEL-HUMAN-ANGEL how long will it takes to fight for your love? if everything seems to be UNCERTAIN, will you still fight for it?