AKO’Y MAGHIHINTAY
Ang lahat ay masaya nung araw na iyon, idagdag mo pa ang lunitang paligid dahil sa puno ng iba’t-ibang uri ng halaman. Pakiramdam ko ay parang nasa langit na din ako nun.
Masaya silang nagkamayan at nagyakapan.
Yakapan ang babae sa babae
At kamayan naman sa mga lalake.
Ng biglang yinakap ni Nihiru si mama Hannah.
.
. Malumanay na umiihip ang hangin.
.
Nitong mga nakaraan ay kakaiba ang naging kilos niya, na para bang ang nararamdaman niya para kay mama Hannah ay gusto ng kumawala.
Hannah: Nihiru… may iba akong gusto.
Tumapak patalikod si Nihiru, saka dahan-dahang bumitiw sa pagkakayakap, nadama ko ang lungkot at pighati na nararamdaman niya.
Sa kabila nun, ngumiti padin si Nihiru sakanya.
Nihiru: Gusto ko lang magpasalamat dahil naging kaibigan kita.
Ang ilan sa mga dahon ng puno ay nahulog sa lupa.
Katulad ng kanyang iginuhit noon.
Tahimik na dinaloy ng hangin ang nalagas na dahon sa pag-alala ko sa nakaraan.
Nihiru: May talent ka pala sa pag drawing. Akala ko kasi iba-ibang shapes lang ang kaya mo.
Punong-nalalagas ang mga dahon? Anong ibig sabihin nito?
Hannah: Ahh ginaya ko lang yan dito sa puno.
Hindi sinasadya ang pagguhit niya nun,
Hindi rin niya sinasadyang malagas ang mga dahong yaon.
Hannah: …may iba akong gusto.
Saka dahan-dahang tinungo ni Nihiru ang palabas sa bahay ng Ama.
Sa likod niya ay sumusunod ang iba pa niyang kamag-aral, maging si mama.
Habang sila ay naglalakad, nasasaksihan nila ang paglalagas ng dahon sa paligid.
Ang lahat ay masaya, nagbibiruan, nagtatawanan…
Maliban sakanilang dalawa.
Hannah: Tama ba ang naging desisyon ko? … mas mabuting alam ni Nihiru ang totoo kong nararamdaman… ayaw kong paasahin ang isa man sakanila… kaya mabuting habang maaga, alam ko kung sino ang nais kong mahalin.
Bakit nga ba si Adrian?
Dahil ba siya ang unang nilalang na nagparamdam sa akin na ako ay mahalaga?
Dahil ba iba ang nararamdaman ko sa tuwing gumagawa siya ng paraan para maabot ako?
Dahil ba sa umaasa ako sa salitang binitawan niya… na hihintayin ko siya
Gusto ko siyang makilala.
Gusto ko siyang makasama.
Gusto ko… gusto kung malaman kung ano ang pakiramdam pag nasa tabi ko na siya.
Gusto ko… gusto ko siya.
Bakit nga ba hindi si Nihiru?
<tapos ay naalala niya simula nung unang nagkakilala sila>
Masungit siya, hindi siya mahilig magsalita, hindi siya mahilig tumawa. Wirdo at sobrang kakaiba niyang lalaki.
.
BINABASA MO ANG
NOTUS CERTANUS [season1]
RomanceANGEL-HUMAN-ANGEL how long will it takes to fight for your love? if everything seems to be UNCERTAIN, will you still fight for it?