ANG IBA SA AMIN AY NAGUUNAHAN MAKAMIT ANG PINAKAMATAAS NA RANGKO, PERO SA TOTOO… WALA KA NG IBANG MAIHAHALINTULAD SA SAYA NG TULAD SA MGA TAO.
Nakita ko si Hannah na nakaupo sa labas ng clinic.
Bakit kaya hindi siya pumasok?
“Hannah”
Ang babaeng yun… siya nanaman. Napatingin siya kung saan ako nakatayo na para bang nakikita niya ako sa anyong-anghel ko… hindi maari. Baka nasosobrahan lang ako sa pag-iisp ko.
“Anong ngyare?”
Hannah: Nasa loob si Ervin.
“Eh bakit nandito ka sa labas?”
Hannah: wala naman ako magagawa pag pinasok ko siya sa loob.
“tagapagtanggol… tinatawagan ka dito sa langit”
Isang napakahinang boses ng babae ang narinig ni Tagapagtanggol ngunit hindi niya ito pinansin.
Umupo ang babae sa tabi ni Hannah.
“tagapagtanggol… tinatawagan ka dito sa langit”
Sa pangalawang pagkakataon ay tinawag siya muli nito, ngunit hindi parin niya ito pinansin. Bagkus sumawsaw pa siya sa usapan nila Hannah na para namang maririnig siya nito.
Tagapagtanggol: pero kung pumasok ka, malalaman mo ang lagay niya hindi yung nagaalala ka ng wala naman ginagawa.
Pagsabi ni tagapagtanggol nun, ay biglang napatingin sa kanyang mata ang babae sa tabi ni Hannah.
Gamit ang utak ay nag-usap silang dalawa: “Pwede ba, hindi mo ba naririnig ang tumatawag sayo mula itaas? Pero yung usapan namin nakekeelam ka!”
Nagulat si Tagapagtanggol nung kinausap siya nito … lalo na gamit ang kakayahang-langit na paguusap gamit ang utak
“Tagapagtanggol” sa pangatlong beses ay tinawag siya mula langit, sa pagkakataong ito… si Raphael na ang tumawag sakanya.
“pumunta ka na!” sigaw ng babae sa utak ni tagapagtanggol.
Napaurong si tagapagtanggol sakanyang nasaksihan.
Tumingin ang babae kay Hannah, hinaplos niya ang likod nito saka sinabing: “Wag ka magalala, magiging okay din siya.
Sa langit:
Raphael: ano ang dahilan ng iyong matagal na pagsagot sa aming tawag?
Sa totoo lang ay hindi alam ni Tagapagtanggol ang kanyang mahalagang sasabihin sa kanyang mga kapatid. Sa unang pagkakataon, nagkaroon siya ng maling akala at isa pa, hindi niya alam kung papaano lulusot sa naging away nila kanina nung ikalawa… baka pag naungkat pa iyon ay mas lalong madiin ako sa paglilitis… yun din ang dahilan kung bakit hindi niya pinapakinggan ang tawag sakanya.
Ng bigla siyang nakaisip ng magandang ibabalita sakanila… ang tungkol sa babaeng nakausap niya kanina.
Tagapagtanggol <UNA>: May dapat kayong malaman. Mayroon akong natuklasang kakaibang pangyayari sa lupa.
Nagsilapitan ang mga anghel na para bang may pagpupulong na magaganap. Ang iba ay nakaupo sa sahig na gawa sa malambot na ulap at sa matatag na dagat, ang iba naman ay nakaupo sa upuang binoo mula sa sa pinaghalong ulap at asul na bulaklak samantalang ang iba ay nakatayo na lamang.
Magsisimula na sana si Tagapagtanggol sakanyang sasabihin ng biglang… bumukas ang pintuan ng langit, sumalubong ang puting usok hanggang sa unti-unti nilang naaninag ang isang babae.

BINABASA MO ANG
NOTUS CERTANUS [season1]
RomanceANGEL-HUMAN-ANGEL how long will it takes to fight for your love? if everything seems to be UNCERTAIN, will you still fight for it?