---TRESE---

284 8 2
                                    

UGNAYAN

Una:

Nagulat ang lahat sa nasaksihan nila, bihira ang ganoon.

Makaramdam ang taga-lupa ng mga taga-langit.

Madalas nakakaramdam sila ng kaluluwang-ligaw ngunit hindi ang mga sagradong nilalang na katulad naming.

Dahil doon, ay naunawaan nila ang pagbibintang na hindi ko sinasadya. Inatasan ako na mas bantayan silang dalawa at magimbistiga sa kung ano pa ang espesyal na taglay ni Hannah.

Pinayagan nila ako na mas makalapit pa sakanya ng mas madalas, pinayagan nila ang kupido na sumama sa akin sa aking misyon “para daw may assistant ako, at isa pa nais din naman daw niyang maging isang Tagapagtanggol paglaki niya”

Pinagbawalan din nila kami mag-usap sa anyong anghel sa tuwing lumalapit kami kay Hannah. Isip lang namin ang dapat mangusap.

Sa totoo lang ay wala naman ng ibang espesyal sakanya. Araw-araw paulit-ulit lang ang mga pangyayari.

-gigising siya, mag-iinat ng katawan at magsasabi ng I love you Lord.

Hannah: halaaa! Late na ako! sana malate din yung teacher naming para hindi ako mahuli!

-kakain, maglilinis ng katawan at papasok na.

Hannah: Ma, aalis na po ako!

-kukulitin ng mga bata, magpapatulong sa assignment at papasok sa school.

Hannah: naku, mamaya ko na lang kayo tuturuan a!

-lalapitan ng mga kamag-aral para magpaturo sa magiging exam.

Hannah: Teka… wala pa si Mrs. Rivera?

-at boong araw sila magkukulitan ni Ervin.

Hannah: Buti na lang hindi ako nalate kanina!

-susubok magpakita ng pagmamahal pero palagi niyang nililihis ang usapan ng dahil kay Janine.

Hannah: Alam mo, Ervin… aral na lang tayo!

-mag-aral.

Hannah: Bakit ayaw kong mag-aral sa Math ngayon?

Ervin: kailangan natin mag-aral… may exam.

Hannah: hindi ko talaga naiintindihan ngayon.

Ervin: gawin natin ang lahat n gating makakaya…

Hannah: mamaya may quizbee pa tayong sasalihan hindi ko na alam ang uunahin ko… pagod na pagod na ako…

Ervin: Haay…

Hannah: Papa Lord, sana mapostpone lahat ng pangyayari ngayon… gusto ko magpahinga.

Tapos ay yumuko siya sakanyang upuan.

Biglang bumuhos ang malakas na ulan, saka nasundan ng brownout.

Natakot silang lahat.

Nabigla ako, naalala ko yung araw na may nagpakitang ligaw na kaluluwa.

Agad ko siyang nilapitan at prinotektahan.

Una: Hannah!

Tinignan ako ng kupido…

Napalakas ang pagkakasabi ko.

Pero buti na lang … hindi niya ako narinig.

Walang ng iba pang espesyal sakanya, wala siyang kapangyarihan… pero malakas ang paniniwala niya sa Ama kaya madalas…

NOTUS CERTANUS [season1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon