MABABAW, NGUNIT LABIS NA KALIGAYAHAN
“Muntik na tayo dun, Una”
Sa tuwing naiisip ko ang ginawa kanina ng kupido, hindi ko alam kung paano ako magrereact. Baka mahalata niya…
Gusto kong sumigaw ng AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHH!
Gusto ko siya ibalibag ng sampung beses ng paulit-ulit.
Bakit niya ginawa yun?
Bigla na lang niyang ginawa?
Pero baka naman napaka-OA ko kung gagawin ko yun.
Isa pa, isa lang naman siyang bata…
Pero kahit na! lalaki padin siya.
Patuloy lang kami sa paglalakad, salita siya ng salita ngunit hindi ko siya pinapansin… baka kasi sa oras na ibuka ko ang aking bibig ay hindi ko na lang mapigilan ang aking sarili.
“Bakit hindi mo ko pinapansin?” hinila niya ang polo ko, ang mga mata niyang kumikinang ang siya namang ginagamit niya para ang galit ko ay umupa.
Tss… palagi na lang ganoon, pwede ba pagdating kay Hannah ay ibang usapan na yun!
Una: Sa susunod wag mo na ulet gagawin yun!
Nagpatuloy ako sa paglalakad, napaupo siya sa sahig.
Ng mapansin kong hindi na siya sumusunod ay nagdesisyon akong siya’y lingonin.
Kinukusot niya ang kanyang mata habang nakaupo sa sahig.
Nilapitan ko siya…
“Sorry na… wag ka na magalit sa akin please”
Ang mga bata kahit kailan… hmmmmn! Napaka!
Una: Tumayo ka na dyan.
“Nacute-an lang naman ako kay Hannah e. Hindi ko naman sinasadya na muntikan tayong mahuli.”
Una: May misyon pa tayo.
Pagpapalala ko sakanya
“Hindi ko na yun uulitin, hindi na kita gagalitin, hindi na ako magiging pabigat, hindi na ako magiging makulit”
Napatingin siya sa akin, naubusan na siguro ng ihihingi ng tawad, ngunit hindi padin niya sinsabi ang nais ko marinig… “na hindi na niya ulit hahalikan si Hannah”
Una: Yun lang?
“Anong yun lang?”
Una: Yun lang ba ang ihihingi mo ng sorry?!
Hindi ko namalayan na biglang lumapit sa amin si Nerrisa, umupo siya sa tabi ng kupido at pinahid ang luha nito; pinilit niyang patayuin ang kupido ngunit ayaw nito.
Nerrisa: Ano nanaman ba ang pinag-awayan ninyo?
Humikbi-hikbi ang kupido na parang nagpapa-awa.
Tumalikod ako sakanila, humawak at pinagpatong ang magkabilang braso.
“Nagalit sa akin si Una…”
Nerrisa: Nagawan naman na natin yun ng solusyon, kaya wala na dapat ikagalit.
Una: Alam mo ba kung bakit ngyare yun? <humarap ako sakanya, mas lumakas ang aking boses> hinalikan niya si Hannah!
Tumawa si Nerrisa.
Una: Bakit ka tumatawa?
Mas lumakas ang iyak ng kupido.
“Hindi na ako ulet magiging makulit…”
BINABASA MO ANG
NOTUS CERTANUS [season1]
RomanceANGEL-HUMAN-ANGEL how long will it takes to fight for your love? if everything seems to be UNCERTAIN, will you still fight for it?