TRUE LOVE WAITS, WAG KA MAG-ALALA… ANG DIYOS ANG BAHALA
Sa Itaas:
Nakatalikod si Una, nakaupo siya tumutugtog ng harpa kasabay ang paghuni at pagkanta sa ibang mga linya.
Napakaganda ng saliw ng musika na pinaghalo-halo niya.
Tumigil ang lahat sakanilang mga ginagawa at naakit sa pakikinig sakanya.
Ng biglang lumapit sakanya si Ella.
.
.
.
Tumigil siya sa pagtutog.
Una: Anong… problema?
Ella: Ha? Ahh.. wala. Bakit ka tumigil?
Una: Akala ko kasi… umnnn.
Sa tuwing lumalapit si Ella kay Una ay palagi siyang pinamumulahan, nauutal at hindi maintindihan.
Ella: Ahh… kamusta ka nga pala? Bakit hindi na kita nakikita sa classroom nila Valerie?
Binago na lang niya ang usapan.
Una: Nailipat kasi ako ng section e. medyo bumaba yung naging grado ko nung nakaraan dahil na rin siguro sa mga pagiinsayo ko dito sa langit
Ella: Ahh ganoon ba <kahit na hindi naman kangiti-ngiti ang pinag-uusapan nila ay hindi niya mapigilan ang pagngiti. Gusto pa sana niyang makasama ng matagal si Una kaya kunwari ay magpapaturo siya tumugtog ng harpa kaso nakita ni Una si Raphael na paparating kaya… binitiwan niya ang harpa saka lumapit kay Raphael>
Masaya, nanabik siya ng makita niya si Raphael.
Una: Raphael!
Raphael: Oh, kamusta?
Una: Matagal na tayong di nagkita a.
Raphael: hahahaha namiss mo ko brad?
Binangga niya si Raphael saka sinabing: Kamusta ang pagbabantay kay Nerrisa?
Malungkot siyang umupo sa gilid habang pinagmamasadan niyang unti-unti silang nawawala.
Ella: Kailan mo kaya ako makikita?
Nilapitan siya ni Ikalawa, at sinubukang kausapin si Ella.
Ikalawa: Kamusta?
Ella: Ayos lang…
Ikalawa: Balita ko, binigyan ka ng pangalan ng taga-lupa.
Ella: Oo.
Ikalawa: Anong tinawag niya sa iyo? <nakangiti siya na para bang sabik sa magiging kwento>
Ella: Ella <pero nakatulala padin siya at parang walang gana>
Bakas sa naging reaksyon ni Ella ang kalungkutan at pagkadismaya kaya naman pinipilit ni Ikalawa na aliwin siya…
Kayalang tumayo siya at umalis
</3
Kadalasan, lahat ng taong nagmamahal ganyan ang palaging problema.
Paano naman kasi, pagnagmamahal… wala na silang ibang nakikita kundi ang nilalang na gusto nila.
Kung pareha niyong mahal ang isa’t-isa… :) tama ang ganoon.
Pero kung… magkaiba kayo ng nararamdaman…
.
.

BINABASA MO ANG
NOTUS CERTANUS [season1]
RomanceANGEL-HUMAN-ANGEL how long will it takes to fight for your love? if everything seems to be UNCERTAIN, will you still fight for it?