RULE 1.43
Nakiusap ako kay Raphael na kung maari ay maginsayo muna ako dito sa Itaas, mas umiilap ang mga Itim at kailangan kong paghusayan ang pagiinsayo.
Pumayag naman siya. Sabi niya pa sa akin, kung gusto ko daw ban a siya mismo ang magbantay kay Nerrisa at Hannah.
Natuwa ako sa sinabi niya, para tuloy mas mataas pa ang posisyon ko. Pumayag naman ako, : ) alam kong nais din niyang bantayan si Nerrisa.
Kailangan kong paghusayan, kailangan kitang protektahan!
Kupido
Nagpresinta ako sa archangel na ako na lang ang magbabantay kay Hannah habang binabantayan niya si Nerrisa, pinagmalaki ko ang magaling kung pag-asinta pero pinagalitan lang niya ako.
Unang beses pa lang kasi ngyari ang ganoon… na mapana ang isang itim.
Hindi pa namin alam kung ano ang pwedeng mangyari kaya naman kapalit ng aking pagbabantay kay Hannah ay hindi ko maaring gamitin ang aking pana.
Isang normal na araw lang naman ngayon, Biyernes.
Sa tuwing ika-anim na araw sa Linggo, puro lang sila homeroom activites o kaya naman club meetings kaya wala sila masyadong ginagawa.
Bagong quarter siguro sa taong ito kaya pinagpalit-palit sila ng pwesto sa upuan.
Napalayo si Hannah at Ervin sa isa’t-isa, malabo kasi ang mata ng lalaking iyon kaya pwenesto siya sa harapan.
Nihiru, yan ang pangalan ng bagong lalaking katabi niya.
Medyo weird siya, pero… nababasa ko ang magiging hinaharap niya na magiging isang napakamatipunong lalaki siya pagdating ng panahon.
Maputi, namumula ang kanyang mga pisngi… mas lamang ng sampung paligo kay Ervin pero syempre pinaka pogi padin si Una sakanilang tatlo.
Hindi pa man sila nag-uusap ay may kutob na akong kakaiba.
Hannah: Hi.
Tapos ngumiti siya, sa di malamang dahilan… hindi naman gaanong kagandahan si Hannah, wala namang espesyal sa itsura niya maliban sa buhok niyang kumikinang sa tuwing nasisinagan ng araw.
Pero isang hi at ngiti lang niya ay umangat na agad ang paghanga ni Nihiru sakanya.
Hannah: Ako nga pala si Hannah.
Tulad ng sabi ko kanina, weird ang lalaking iyon.
Sa tinagal-tagal na niyang nabubuhay sa mundo ay hindi man lang siya natutong ngumiti… kaya naman kahit na magandang lalaki siya ay walang nakakapansin nun.
Walang sinoman ang sumubok na siya ay kaibiganin.
Sa kabila nun
Tulad ng iba pang nasa classroom nila, lahat sila doon ay matatalino.
Napasama na kasi sila ni Ervin sa pilot section.
Kung babasahin ko ang nararamdaman ni Hannah, kinakabahan siya… natatakot siya na baka hindi niya kayanin ang bagong hamon sakanya. Bagong mga kaklase… Bagong magiging kaibigan.
At sinimulan niya ang pakikipagkilala sa lalaking itinabi sakanya.
Nihiru: Nihuru.
Ngumiti siya pero nababasa ko sakanyang isip na “kahit kailan may pagkawirdo talaga siya” pero pinagpatuloy padin niya ang pakikipag-usap.
Hannah: Bago ka lang din dito sa section na ito?
Nihiru: Oo, first section kasi ako dati e.
Ngumisi lang si Hannah, “matalino pala talaga siya… samatalang ako galing lang ako sa patapon na section”
BINABASA MO ANG
NOTUS CERTANUS [season1]
RomanceANGEL-HUMAN-ANGEL how long will it takes to fight for your love? if everything seems to be UNCERTAIN, will you still fight for it?