---VENTE-TRES---

187 8 1
                                    

Kinabukasan, naging maganda na ang panahon.

Natulog si Rain sa tabi ni Hannah, nawili kasi siya na makausap si Hannah… wala kasi siyang nakakausap sa Itaas ng tulad sa kanya.

Lumiwanag, hudyat na may parating.

Una: Bakit ka nandito?

Rain: Bakit bawal?

Tumayo siya saka umalis na lang.

Una: Anong ginagawa dito ni Ikalawa?

Bago pa ako makasagot ay tumunog ang alarm ni Hannah, pero parang hindi niya ito narinig.

Kinuha ni Una ang oportunidad para siya ay makausap.

‘Goodmorning, gumising ka na diyan.

Napakasimple pero kung babasahin mo ang puso niya kinikikilig talaga siya.

One message received.

Naalimpungatan si Hannah saka kinuha ang cellphone niya.

Hannah: Goodmorning Rain :) salamat sa paggising mo sa akin ha.

Napakunot ang noo ni Una

Kupido: si ikalawa ang tinutukoy niya, may pangalan na siya ngayon

Una: Pangalan? Isa na siyang arkangel? Hindi pa naman nagbabago ang kulay sa kanyang mga pakpak

Nakaturo si Una, mula sa pinaglabasan ni Rain pabalik sa akin naguguluhan padin sa ngyare

Kupido: Binigyan siya ni Hannah.

Una: Binigyan?

Kupido: maging ang anghel dela gwardya ay mayroon na din. Si Ella at Rain.

Una: talaga? <ngumiti siya> eh ikaw?

Kupido: hindi pa ito ang tamang panahon para makausap ko siya.

Una: Pero dati excited ka makausap siya?

Nginitian ko siya… oras ng misyon, hindi ako dapat mag-astang bata.

Hinatid namin ni Una si Hannah, nakakatuwa siya hindi man siya nakikita ni Hannah nagmumukang pulis-trapiko si Una sa tuwing tumatawid siya sa kalsada.

Una: Alagaan mo si Hannah ha.

Saka umalis na siya.

Sa quadrangle:

Recess time. Kumakain si Hannah ng mais con yelo, burger naman si Nihiru, at fries naman si Ervin

Ervin: sabi ni Teacher, mayroon daw magaganap na singing contest sa Friday.

Hannah: Oh, ano naman?

Ervin: kahit kailan ang siga mo magsalita, babae ka ba?

Tumawa naman si Nihiru.

Nanlisik ang mata ni Hannah: tssss.

Nihiru: sigurado ka bang mais con yelo lang recess mo?

Hinahalo niya ang inumin

Hannah: Oo, recess lang naman hindi naman to lunch.

Ervin: Kaya ang payat mo eh!

Hannah: Aaaaahhh! Kung makapagsalita ka ha! Ang taba mo e nu!

Ervin: kumain ka na nga lang!

Saka niya pilit sinubuan si Hannah.

Napatingin si Nihiru sa burger niya

Biglang dumating si Nerrisa.

Hannah: Bes!

Tumalon si Hannah, at lumapit sakanya.

NOTUS CERTANUS [season1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon