ONE POINT!
Nung pauwi na ay inayos na ni Hannah ang kanyang mga gamit, pumunta siya sa locker saka niya inisip ang kanya pang dapat gawin.
Binilang niya isa-isa ang librong maayos na nakatago sa locker saka umalis na.
Nakasalubong niya si Nerrisa nung pababa na siya.
Nginitiian ako ni Raphael na parang nagsasabi ng hi, hmnnn ano kayang ngyare sakanila ni Nerrisa?
Pagtingin ni Hannah sa bag niya..
Hannah: Oh, saan to galing?
May puting rosas na nakasabit sa gamit niya. kumikintab ang bawat gilid nito tanda na galing
ito sa halamanan ng Ina.
Aba, at kumikilos na pala ang alaga ko?
Hannah: Bes, oh sa iyo na lang.
Nerrisa: Anong sa akin? Sa iyo yan!
Hannah: Pero paano ko naman iuuwi ito? Napakaliit ng bag ko ngayon baka mahuli ako ng mama ko isipin niya pang may boyfriend ako.
May pagkaengot talaga to si Una, bakit kasi Biyernes niya pa binigay ang bulaklak e alam naman niyang maliit lang ang bag ni Hannah tuwing Biyernes.
Ngumiti lang si Nerrisa, nilagay niya ang kanyang kamay sa likod tanda ng ayaw niya itong tanggapin.
Hannah: Ayaw mo? Sayang naman.
Tapos dumiretso siya sa basurahan.
Haaay naman tong si Hannah, hindi kaya basta-basta yang bulaklak na yan?!
Hinabol siya ni Nerrisa, saka sinabing “Akin na nga!”
Nerrisa: Bihira lang talaga siya tumanggap ng regalo
Sabi sa akin ni Nerrisa, nag-uusap kami sa isip.
Nerrisa: Pag nakakatunog na siyang nagkakagusto sakanya yung lalaki, iniiwasan niya. kaya madaming kupido ang namumurublema sakanya at kaya wala ng lalaking naglalakas loob ligawan siya… lalo na si Ervin. Kasi mas mahalaga sakanya ang nabuong pagkakaibigan sakanila… at isa pa, ayaw niya lumayo si Hannah sakanya.
“Pero bakit sa nakikita ko, gusto din naman niya si Ervin” mahirap man tanggapin na hindi ang alaga ko ang gusto niya e yun ang katotohanan
Nerrisa: Ewan ko din ba sa babaeng yan. Pinipigilan niyang magmahal.
“Kung ganoon parehas pala sila ni Una”
Pagkadating sa bahay ay agad na humiga si Hannah, binuksan ang electric fan saka nagpahinga.
Sa Itaas
Dinala ni Nerrisa ang bulaklak na bigay ni Una.
Sa mga oras na iyon, patuloy padin siya sa pagiinsayo.
Pawis na pawis na siya nun…
Ang pinagtataka ko naman sa alaga ko, wala naman siyang ginagawa pero nababasa ko ang mga isip ng mga kababaihan na naguumapaw ang pagkagusto nila sakanya.
Maging si Nerrisa ay isa sa mga taga-hanga niya.
Lahat naman kaming sagradong-likha ay perpekto ang itsura, pero may kakaiba sakanya na kinagugustuhan ng karamihan.
Ang kanyang paninindigan na isa lang ang puso niya, at boong buhay niya isang babae lang ang mamahalin niya.
Wala pa yata kahit ni isa lang na anghel na pinakitaan niya ng pagkagusto, kaya naman mas nagiging interesado pa sila sakanya. Madalas masungit siya, madalas puro tungkulin ang inaatupag niya, mahigpit niyang sinusunod ang lahat ng batas…
BINABASA MO ANG
NOTUS CERTANUS [season1]
RomanceANGEL-HUMAN-ANGEL how long will it takes to fight for your love? if everything seems to be UNCERTAIN, will you still fight for it?