---TRES-DOS---

186 6 1
                                        

NIHIRU…

Kinabukasan, maagang nagising si mama lumabas siya ng silid saka agad na sinalubong ang pagsikat ng araw.

Kumain, saka nagpractis nila ng sayaw.

Napapakagat si mama sa kanyang daliri ng parang sa akin pag hindi niya na alam ang kanyang gagawin, ang hirap kasi turuan ni Nihiru ng mga steps.

Hannah: Gusto mo sayawin ko muna yung parte ng lalaki tapos sabayan mo ko?

Nihiru: Alam mo?

Hannah: Namemorize ko na kasi andami ko na ding lalaking tinuruan sa grupo natin.

At ginawa nga ni mama.

Matapos nilang sumayaw ay kumain sila muli.

Pinapila sila, magkaiba ang sa lalaki sa babae.

Nagkatapat nanaman silang dalawa.

Arms forward,

Arms sideward

Hold your partners!

Pagbibiro ng guro nila, madalas yun sinasabi sa mga elementary students para maging maayos ang pila at sa dahilang baka magkawalaan sila.

Tahimik ngunit mabilis na hinawakan ni Nihiru ang kamay ni Hannah, sa ibabaw ng kanyang relo.

Hannah: Bitiwan mo ko!

Hindi ko maintindihan, matapang ang pagkakasabi niya ngunit pinamulahan siya.

Hannah: Bitiwan mo ko.

Mas mahinahon ngunit boo ang pagkakasabi niya.

Hannah: Bitiwan mo ko!

Sinubukan niyang magpumiglas, pero malakas ang pagkakahawak ni Nihiru. Nanatili sa ibaba ang kanilang mga kamay. Nakatingin lang siya ng direcho at hindi makatitig kay Hannah.

Pareha silang pinamumulahan.

Nihiru: Ayaw ko nga.

Ngumiti siya, hindi padin nakatingin kay Hannah.

Hannah: Ha?

Tumingin na siya kay Nihiru na parang hindi makapaniwala.

Nihiru: Ang sabi ko, ayaw ko.

Hannah: ha? Bakit eh hindi naman ako mawawala? <tulad ng dahilan kung bakit sila kunwariang inutusang maghawak kamay>

Nihiru: Hindi kita bibitawan.

Hannah: Ahh ganoon? Eh kung kagatin kaya kita?!

Ang tapang ni mama! … pero bakit parang ginawa niya lang iyon para maiwasan ang sobra siyang kiligin?

Nihiru: Kahit kagatin mo pa ako, hindi kita bibitawan.

Naalala ko ang sinabi niya noon, gusto niya ng lalaking hindi susuko sakanyang palabasin ang tunay niyang nararamdaman.

Hannah: Aaaaaaaaah.

Binuka niya ang kanyang labi na parang kakagatin si Nihiru, ginawa lang naman niya iyon para panakot pero nung tinignan niya ito ay nginitian lang siya ni Nihiru.

Nihiru: Alam kong hindi mo kaya yang gawin.

Nihiru… :”>

Yieeeeekiiieeeeeee!

Pagtutukso sakanila ng kanilang mga kamag-aral.

Binaba ni Nihiru ang kanilang kamay, ngunit hindi padin niya ito binibitawan.

Tumingin paibaba si mama, hindi padin makapaniwala sa ginagawa ni Nihiru saka muli niyang siya ay tinignan.

Hinatid ni Nihiru si mama Hannah sakanyang upuan, inurong ito saka sinabing: Magpakabusog ka, ang payat-payat mo na.

NOTUS CERTANUS [season1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon