---VENTE-NUEBE---

204 5 4
                                    

GAGAWIN KO ANG LAHAT PARA MATUPAD IYON

Kinabukasan, pumunta si Hannah sa bilihan ng mga libro.

:”) nakalimutan ko banggitin! Mahilig siya tumambay dito. Mahilig siya bumili ng iba’t-ibang klase ng ballpen, pangkulay at pang guhit.

Habang naglalakad siya ay napatigil siya sa mga libro na maraming guhit binasa ko ito at nakasulat ang co---colo---coloring book! Coloring book! :) ang galing ko na magbasa no?

Nakita ko yung iba’t-ibang klase ng sasakyan tapos may mga mata, ilong labi na parang sa akin. Hinawakan ko ito, naalala ko bawal nga pala yun… kaya bigla ko na lang binitawan.

Napatingin sa Hannah pagkarinig niyang nakahulog ako, ngumiti siya tapos pinulot ito saka dumiretso sa bayaran. Ang galing naman niya… naramdaman niya kayang iyon ang gusto ko?

Hannah: Bago pa mahulog ang coloring book, ay inisip kung mabuti na sana magpakita siya ng sign kung alin sa mga ito ang gusto niya. Nakakatuwa naman, para akong nagkaroon ng maliit na kapaitid.

Pag-uwi niya sa bahay ay sumulat nanaman siya sa kapirasong papel: Para kay Xymon tapos nagdrawing pa siya ng smiley. Ang cuuuteee!

Malalim na ang gabi nung dumating si Adrian… siguro dahil sa pagod niya sakanyang misyon.

Tulog na si Hannah nun, kaya naman yinakap ko na lang siya agad para mapawi ang pagod niya saka siya kwenentuhan.

Xymon: Nagmall kami kanina ni mama.

Adrian: Talaga? Anong ginawa niyo sa mall?

Xymon: Nung una, bumili kami ng damit ni mama tapos kumain kami.

Adrian: sino kasama niyo?

Xymon: kami lang, tsaka si lola.

Adrian: sinong lola?

Xymon: si mama niya <medyo napatining ang pagkakasabi ko> tapos binilhan niya ako ng story book. Ito oh! <pinakita ko sakanya> ang galing bakit may mata at ilong at labi sila?

Adrian: naalala mo ba yung sabi ng mama mo noon? Lahat ng gusto nila isipin maari sa drawing.

Xymon: Oo nga nakalimutan ko yun a! <tapos nagkulay ginto ang mga buhok ko nung naalala ko>

Napansin kong pagod si papa kaya naman hinalikan ko siya sa psisngi saka sinabing: Papa, imamassage kita! :3

Habang minamasahe ko siya ay nakahawak lang siya sa kamay ni mama.

Hanggang sa nakita ko na lang na pumikit na siya.

Xymon: Papa, bakit hindi ka matulog dun sa katawang tao mo? Mas makakapagpahinga ka pag ganoon.

Bigla siyang namulat saka sinabing.

Adrian: Ahh hindi, ayos lang ako. Hindi ko kayo pwedeng iwan…

Xymon: Pero pagod ka na. Kaya ko naman protektahan si mama.

Adrian: <ngumiti siya sa akin> hindi ako makakapagpahinga pag wala siya sa tabi ko.

Xymon: … : ) sige na nga. Tumayo ka na diyan dun ka sa kama tabi ka kay mama.

Naawa na din ako sa lagay niya na nakaupo sa sahig na nagpapahinga.

Adrian: Talaga?

Xymon: Oo, pero ngayon lang ha!

Tumayo siya, tumabi kay mama saka niya ito yinakap ng mahigpit.

:”>

Pumagitna ako sakanilang dalawa, yakap-yakap ang coloring book na bigay ni mama

at nagkunwaring tulog na lang din.

NOTUS CERTANUS [season1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon