---KATORSE---

232 8 7
                                    

ANG LAHAT NG BAGAY AY MAY DAHILAN

Maganda narin siguro ang naging parusa ko, nilalakad ko man ang patungong Itaas ay pinabilis nila ang paglalakbay ko...sa dahilang bumibigat at mas nagiging komplikado ang misyon ko.

Agad akong nakatungo sa Itaas.

Isang araw na ang lumipas.

Una: Raphael…

Raphael: Nakita namin ang ngyari.

Una: Papaano ngyari iyon?

Doon ay may nag-ulat sa amin ang baguhang Tagapagtanggol, bilang mga nagsisimula sila ang nagiimbestiga kung papaano ngyayari ang mga hindi maipaliwanag sa daigdig.

Pinakita niya sa amin ang mismong pangyayari nung pinapagaling namin si Nerrisa kasama ang iba pang mga anghel, saka dumating si Hannah. Ang sagradong pakpak na unti-unting natunaw sa tapat ng kanyang cellphone ang naging dahilan kaya ito ngayon ay naging sagrado na rin.

Una: Anong mangyayari ngayon?

Lumapit ang Seraphim sa amin, ang rangko ng mga anghel na pinakamalapit sa Ama.

 “Iwasan na lang natin magkaroon ng pakikipag-usap sa taga-lupa. Ipagpatuloy niyo ang gingagawang pag-uusap sa pamamagitan ng isip. Ang lahat ng pangyayari ay may dahilan. Sa tinagal-tagal na naming paninilbihan sa Ama ay ngayon pa lamang nagkaroon ng ganyang klaseng sitwasyon. Hindi tayo dapat maalarma, may plano ang Ama.”

Una: Iwasan? … pero hindi bawal?

Tinignan ako ng Seraphim, kulay ginto ang kanyang mga mata.

“Kung tatawagin ng sitwasyon, maari.”

Nagbuntong hininga ako… hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sakanyang binalita.

Habang pababa ako ng Lupa ay iniisip ko ng paulit-ulit ang kanyang sinabi… pwede ko kaya siyang kausapin?

…kung tatawagin ng sitwasyon ay maari.

Siguro kapag kaligtasan nila ang nakataya.

Gusto ko siya makausap…

Pero ayaw ko siyang mapahamak.

Makukuntento na lang ako sa pagmamatayag sakanya.

Pagkababa ko ay binalita ko kay Nerrisa ang ngyari.

Tuwang-tuwa ang kupido at sabi pa niyang “Maari ba ako ang gumising kay Hannah sa umaga? Babatien ko siya ng goodmorning!”

Una: sabi ng punong-pinunong Seraphim kung tatawagin lang ng sitwasyon.

“Pero hindi naman iyon paglabag kaya maari : ) gustong-gusto ko siya makausap. Ano kayang pakiramdam?”

Nerrisa: Sige, pahihintulutan kita.

“Talaga? : )” kumislap ang kanyang mga mata at nagbago panamantala ang kulay ng kanyang buhok.

“Susubukan ko yun pagkagising niya!”

Nerrisa: basta sabihan niyo ako.

Nakatulog na si Nerrisa ngunit ang diwa ng kupidong kasama ko ay buhay na buhay parin.

Hawak niya ang story book ng batang pinsan ni Nerrisa, tinitigan ang bawat pahina.

“Siguro ang sarap ng pakiramdam ng may mama”

Una: bakit mo naman nasabi?

“Kasi… may magbabasa para sayo bago ka matutulog sa gabi.”

NOTUS CERTANUS [season1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon