SA NGALAN NG PAG-IBIG
Papunta na sa silid si Ama kung saan boong magdamag siyang sumusulat ng mga maaring maging kapalaran ng tao
Bawat isa ay mayroong kanya-kanyang destinasyon,
Bawat desisyon ay mayroong kalakip na resulta.
Ng biglang lumuhod si Adrian sa harap niya bilang paggalang saka sinabing
Adrian: Nais ko po sanang hingien ang kamay ni Hannah sa inyo. Nais ko pong maging kapalad niya.
Humarap ang Ama sakanya, tinulungan siyang tumayo saka niyaya sa isang lakad.
Pumunta sila sa halamanan ni Ina.
Doon ay nilahad niya ang pangyayari simula nung una silang nagkita ni Hannah.
Dumaan sila sa malalambot na damo, sa punong-puno ng asul na halamanan.
Bawat araw ay nakikita ni Ama ang lahat ng pangyayari sakanyang mga likha, ngunit mistulang ngayon pa lang niyang narinig ang mga kwento sa pangyayari sa pagmamahahalang umuusbong sa pagitan ni Adrian at ni Hannah.
Bakas sa mukha ni Ama ang tuwa na parang nanabik sa bawat isusunod ni Adrian na salita.
Sa paligid na binubuo ng ulap, ay doon mistulang isang palabas namumuo ang bawat pangungusap na binibitawan niya. Bawat madaanan nila ay umuukit ang pag-iibigang nag-uumapaw… gustong kumawala.
Lahat kaming nakarinig ay naging kabado sa salitang binitiwan ni Adrian kay Ama, ngunit kabaliktaran ang naging reaksyon Niya.
Bawat detalye ay hinihimay Niya, bawat pakiramdam sa pagitan ng mga salitang minumutawi niya ay ninanamnam Niya.
Tunay nga naman na mapagmahal at mapagunawa ang Ama.
“Ako ang gumagawa ng maaring maging destinasyon ng bawat isa, <inabutan siya ng bulaklak ng Ama> ngunit alam mo naman na ang lahat ay may layang sundin kung ano man ang naisin nila. <simbolo siguro iyon, na may laya siyang kunin o hindi ang bulaklak na binigay niya.> Ang paghingi sa palad niya, ang pinakamatapang na desisyon na iyong ginawa. Tulad ng sabi ko, nasa sa inyo ang desisyon, ngunit papakatandaan na ang bawat aksyon ay may kalakip na resulta. Maging madali man o maging mahirap ay kailangan niyong harapin at yakapin ito ng walang bahid ng pagsisisi, pagkaimbot, at pagkatakot.”
Matapos ang isang matalinhagang mensahe niya ay muli na siyang bumalik sakanyang silid.
Bawat tapakan niya ay nagiiwan ng kulay asul na marka tanda ng maari mo siyang makausap ano mang oras mo naisin. Ang rumaragasang tubig pahalang na nagsisilbing pintuan sakanyang silid ay nagpagilid sakanyang pagdaan.
Huminga ng malalim si Adrian, saka kumawala ang kanyang pangangamba.
Nilapitan siya ni Raphael saka nag-usap.
Raphael: Ano ang sabi ni Ama?
Adrian: Narinig mo ang lahat.
Raphael: Wala na siyang ibang sinabi?
Adrian: Alam mo naman ang dahilan kung bakit matipid lang siya magsalita…<pinakita niya ang bulaklkak ng Ina na binigay ng Ama> Raphael, nasa sa akin ang desisyon.
Nagpatuloy sa paglalakad si Adrian
Raphael: Oo alam ko pero hindi ba siya tumutol?
Tumigil siya, at naabutan din siya ni Raphael.
Adrian: hindi… <umiling siya> kailanman hindi tumutol ang Ama sa nais mangyari ng kanyang mga likha.
Raphael: ibig bang sabihin niyan… <tumigil siya sa pagsasalita, nagkatinginan sila ni Adrian ng matalim. Pinakita ni Adrian na seryoso siya>
Raphael: Pero alam mo ang maaring maging kapalit.
Adrian: Kaya kong isakripisyo ang lahat.
Raphael: Kahit na walang kasiguraduhan ang lahat?
.
.
.
Adrian: Ipaglalaban ko siya.
Gagawin ko ang lahat, sa ngalan ng pag-ibig ko… naniniwala ako sa kakayahan ng kapangyarihan ng pag-ibig. Kaya niyang pagalawin ang lambak, hatiin ang dagat, baybayin ang kalawakan… iyon ang magiging lakas ko.
Raphael: isusuko mo------- ang lahat… para sakanya?
Adrian: isusuko ko ang lahat para sakanya. <malinaw ang pagkakasabi niya. hinawakan niya sa balikat si Raphael> hindi ako natatakot, dahil alam kung nakasubaybay ang Ama… hindi niya ako papabayaan sa aking magiging desisyon.
Matapang niyang nilipad patungo sa Lupa.
Hindi parin makapaniwala si Raphael sa naging desisyon ni Una ngunit masaya siya para sakanyang kaibigan… napakatapang niya, napakabusilak ng puso niya.
Sa likod naman, ay pinipigilan ni Ella ang pagtulo sa mga luha niya.
Tunay nga naman napakaswerte ni Hannah.
Ang matagal na niyang hinihimlay na puso ay mapupunta sa karapat-dapat.
.
.
.
Kailangan matapos ni Una ang kanyang misyon bilang isang Tagapagtanggol. Kailangan niyang makaipon ng isang daang piraso ng pakpak na isusuko niya sa harap ng lahat ng anghel sa araw ng pagbibinyag sakanya bilang isang tao.
Bibitiwan niya ang rangko bilang arkangel, ang buhay na matiwasay sa Langit, makikipagsapalaran sa Lupa, at tutuparin ang pangarap niyang…
Maging kapalad si Hannah.
BINABASA MO ANG
NOTUS CERTANUS [season1]
RomanceANGEL-HUMAN-ANGEL how long will it takes to fight for your love? if everything seems to be UNCERTAIN, will you still fight for it?