---VENTE-OCHO---

225 6 4
                                    

PAPA ADRIAN <3 MAMA HANNAH=BABY XYMON

Pag-uwi sa bahay ay ganoon naman palagi ang ginagawa ni Hannah..

Kain, hugas, aral.

Hindi padin niya tinitignan yung cellphone niya.

Habang busy siya kaka-aral, paulit-ulit kong inaalala ang kanta niya kanina.

Paano nga yon?

Magkakatunog ang bawat salita na para bang likha tulad ng sa langit.

Lumiwanag ang paligid, tanda ng may paparating.

Kupido: Una!

Adrian: Kamusta siya?

Kupido: kumanta sila kanina nakakatawa. Ang galing nga e.

Adrian: talaga? Sige nga paano?

Kupido: konti na lang ang naalala ko e.

pag may kausap kang iba ako'y dini deny basta gwapo ang guy maaga kang bumibigay damn!

Hinatak ako ni Adrian papalapit sakanya saka tinakpan ang aking bibig.

Adrian: Masama yun!

Kupido: Yan yung kinakanta nila kanina e, binasted kasi ni Chammy si Ervin. Ano naman ang masama dun?

Adrian: Yung ika-huli mong salitang binanggit.

Kupido: Damn! <tinuro ko ang baba ng tulad kay Hannah>

Adrian: ssssssssshhht! Tumigil ka!

Kupido: Ano naman masama dun? Them? Them! <tumuro ako sakanila> sila

Adrian: haaay bata ka, iba ang ibig sabihin nung sinabi mo kanina.

Kupido: Ajan, sabi pa ni Hannah kanina ”napakastupido ng puso kong ito” ang stupido ba may kinalaman sa kupido? Magkatunog kasi sila.

Adrian: Ang kulit mo talaga… walang kinalaman yun.

Kupido: Pero magkatunog sila.

Adrian: pero hindi ibig sabihin nun magkapareha sila ng kahulugan.

Maya-maya pa ay kinuha na ni Hannah ang kanyang cellphone.

Lumapit si Adrian sakanya para mabasa ang ilan sa mga mensahe niya.

 ’ …ang sarap.

Nakakagat ako sa aking daliri habang binabasa iyon ni Hannah.

Hannah: Ha? Anong masarap?

Tinignan ako ni Adrian.

Kupido: Hindi ko napigilan e.

Adrian: Bakit? Ano bang ngyare?

Kupido: Natakam ako sa kinaen nila kanina… ice cream ata tawag nila dun.

Ngumiti siya, : )) akala ko papagalitan niya ako.

Adrian: Yan ba yung tamang panahon na sinasabi mo na makausap si Hannah? Halika nga rito

Saka niya ako kinalong ulet.

Adrian:’yung ice cream

Hannah: Ahh… nandoon ka pala nun. Gusto mo matikman?

Adrian:’hindi ako yung kausap mo kanina.

Hannah: Ahh sino ba ito?

Adrian: ngayon? Ako to, si Adrian.

Hannah: Ahh… e kanina?

NOTUS CERTANUS [season1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon