---DOSE---

251 8 5
                                    

PAGBUBUKAS NG ISIP, PUSO AT DIWA

Kinabukasan ay ganoon ulit ang pangyayari, pinilit ako ng kupido na sumama sa aking misyon, ayaw ko sana dahil alam kong may iba siyang misyon na dapat inaasikaso ngunit binigyan siya ng pahintulot ng aking gabay na samahan ako hangga’t sa magiging nais niya… kaya wala na akong nagawa.

Valerie: Hoy, mister!

“Una, ikaw yung kinakausap niya… lingunin mo naman yung babae.”

Nilapitan ko si Valerie.

Nakakunot ang kanyang noo na parang galit nag alit sa akin.

Valerie: sa susunod na babangga ka ng mataas na tao sa eskwelahan, pag-isipan mo muna! Pagod na pagod na akong pinipigilan si Mark sa pag-iisip ng masasamang gagawin sa iyo!

“Bakit? Sinabi ko ba… na protektahan mo ko sakanya?”

Valerie: eh ang kapal pala ng mukha mo e!

Susuntuk sana siya sa akin kayalang mabilis kung inagaw ang kanyang palad inihipan ito saka nagmano.

“Salamat. Pero hindi ko kailangan na protektahan mo ako”

Tapos ay umalis na ako.

“Wow Una! Grabe ka!”

Una: Ano nanaman yan?

“Antaas ng pogi points mo dun sa babae! Oh woooops! Hindi na ako ang sisisihin mo kung magkakataon na mahuhulog sa iyo yung babae a!”

Una: Ano bang pinagsasabi mo?

“Nakita ko na umangat ang kulay ng pag-hanga sakanyang puso sa ginawa mo!”

Una: imposible yang sinabi mo, sinungitan ko siya.

“Yun nga e… ang lupit mo!”

Habang naglalakad ay bigla akong nakakita ng elementary student na umiiyak.

“Una, wala ka bang gagawin? Titigan mo lang?”

Una: Ano bang ngyari?

“Inagaw ng matabang siga ang baon niya”

Lumapit ako at inagaw ang pagkain ng matabang siga saka binalik sa batang umiiyak. Umangal ang bata ngunit wala siyang nagawa dahil mas matanda ako sakanya.

“Wag ka ng umiyak, sa susunod na agawan ka nila ng pagkain… isumbong mo sa akin.”

Saka ay umalis na ako.

“Isa nanamang puntos para sa iyo! GLUTTONY naman para sa araw na ito! Astig mo talaga idol! … teka teka hindi lang pala puntos sa itaas ang nakuha mo! Una tignan mo! Sinusundan ka nung Valerie!”

Una: Wala akong pakielam sakanya. Kasalanan mo iyon!

“One point para sa pakpak, Two points para sa babae!”

Una: Tumigil ka na kung ayaw mong tirisin kita!

At sunod ko namang pinuntahan si Nerrisa.

Nerrisa: Napa-aga ata ang pagbabantay mo sa akin?

Una: Wag mo muna ako kausapin, magfocus ka sa exam ninyo.

Nerrisa: Wala akong maisasagot.

Una: Ano?

Nerrisa: Hindi ako nakapag-aral kagabi.

Una: Haay.. bakit hindi?

Nerrisa: Nadisgrasya ako kagabi hindi mo ba naalala?

NOTUS CERTANUS [season1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon