---SIETE---

238 7 2
                                    

HINDI LAHAT AY HANDANG LUMABAN

Nginitian ako ni Nerrisa pagkalabas ko sakanyang katawan.

Saka siya humiga at pumasok na sa kanyang katawang-tao.

Lumipad ako pabalik sa Itaas.

.

.

.

At dalawang araw na ang lumipas.

Hanggang ngayon ay hindi pa din bumibilis ang aking paglipad.

Sinalubong ako ng aking gabay.

Raphael: Kamusta?

Una: Atleast nabawasan ng isang araw ang paglipad ko.

Lumapit kami sa C-lo vision.

Una: Kamusta si Nerrisa?

Raphael: bumubuti. binabantayan at handa na ding promotekta ang iba pa nating mga kapatid para sakanya.

Una: kung ganoon, maari na akong magensayo. Kailangan mapabilis ang aking paglipad, pakikidigma at paghilom ng mga sugat… sa madaling panahon.

Hinawakan niya si Una sa balikat

Raphael: magpahinga ka muna.

Una: hindi maari. Ano mang oras maaring atakihin ng mga itim si Nerrisa.

Raphael: salamat sa pag-aalala. At sa pagprotekta sakanya…

Una: kapareha ko siya, tungkulin ko iyon kagalang-galang na archangel.

Dahilan sakanyang linya na maalala ni Raphael ang ngyaring sagutan sa pagitan nilang dalawa.

Raphael: … patawad.

Una: magagawa ko bang magalit sa pinakamatalik kung kaibigan?

Ngumiti siya at sinabi pang…

Una: gawin natin ang lahat upang protektahan si Nerrisa… at Hannah.

Raphael: <napangiti siya habang sinasabi ito na para bang nangiintriga> …at Hannah?

Umalis si Una sa kanyang kinakatayuan, lumingon-lingon sakanyang paligid at ng mapansing kaunti lang ang mga kapatid sa itaas at ang lahat sakanila ay may ginagawa, umupo siya sa isang sulok at tinignan ng nakatawa si Raphael.

Una: bakit ganyan ang tingin mo?

<siniko niya si Raphael>

Raphael: bakit ganyan ang ngiti mo? … wag mong sabihing?

Una: teka.. wag ka maingay.

Bigla kasing may dumaan na Discorde.

Tumayo sila pareho at sadyang pinarinig ang kanilang usapang binago ng dahil sa sitwasyon

Raphael: Kinatutuwa ko, ang pagkukusang loob mo na bantayan si Nerrisa.

Una: isang karalangan ang gawin ang aking tungkulin.

Nagkamayan sila.

Napangiti ang Discorde at saka umalis na.

Nagkatinginan ang dalawang magkaibigan saka nagtawanan.

Raphael: ituloy natin ang pag-uusap.

Una: Alam mo ikaw, kalalaki mong angel ang chismoso mo!

Raphael: madaya ka ha! Ako sinasabi ko sayo lahat!

Una: : ))) para kang tao kung magsalita pag wala sa harap ng mga discorde. Pinapaalala ko isa kang kagalang-galang na archangel!

Raphael: hindi ko naman ginusto maunahan ka no. tsaka isa pa, kahit saang rangko pa ako mapunta magbestfriend tayo e! natural lang na pag-usapan natin ang mga babae.

Hindi mapigilan ni Una ang pagtawa. Walang salitang tugma para ipaliwanag ang kanyang nadarama. Nung kumalma na siya, bigla niyang hinalikan ang kanyang palad na magkadikit, sakaniya ito nilapit sakanyang noo.

Una: hindi ko alam… bakit sa tuwing naririnig ko ang pangalan niya. iba yung nararamdaman ko.

Raphael: tama ang hula ko simula pa lang. sa edad mong isang libo walong raan walumpu’t siyam ngayon lang kitang nakitang ganyan.

Una: labing pito pa lang ako no!

Raphael: labing pito sa oras ng mga tao.

Ang kanyang edad na labing pito, ang edad ni Hannah na pumapagitna sa edad nila ni Nerrisa.

Pag-ibig na nga kaya ang nararamdaman ni Una? O sadyang nag-ugnay lang ang nararamdaman niya at ni Nerrisa bilang kapareha niya? Dahil lalaki siya, sa ganyang paraan niya naipapaliwanag ang kanyang nararamdaman.

Walang nakakaalam.

Dahil ang pag-ibig ay may kanyang lengwahe at kakaibang paraan na ikaw lang mismo ang makakaunawa.

Matagal na nag-usap ang magkaibigan.

Boong magdamag kwenento ni Una ang pagmamatyag niya kay Hannah.

Hindi nga niya matukoy kung si Nerrisa ba ang dahilan kung bakit mas gumaan ang loob niya kay Hannah, o si Hannah ang dahilan kung bakit mas ginagampanan na niya ang kanyang tungkulin na sa matagal na panahon ay kanya ng nakalimutan.

Una: ganoon din ba ang naramdaman mo kay Nerrisa?

Raphael: …siguro.

Una: bakit palagi mong pinipigilan ang sarili mo? Sabihin ang nasa iyong loob.

Raphael: baka kasi… hindi ko mapanindigan.

Una: papaano mo hindi mapapaninidigan ang klaseng ng pakiramdam na hindi mo napipigilan?

Raphael: mas higit ang pagmamahal ko sa Ama.

Una: ngunit higit din ang pagmamahal sa iyo ng Ama.

Raphael: … hindi mo naiintindihan. Siguro ay dahil mura pa ang iyong isip sa mga ganitong bagay. Tao na si Nerrisa, kaya hindi ko na siya maaring ipaglaban.

Una: pero nakakapunta parin siya dito sa itaas.

Raphael: yun ay dahil… tinatapos niya ang kanyang misyon. Dadating ang araw na kailangan kong tanggapin na mawawala na siyang tuluyan sa ating mundo ng mga anghel.

.

.

.

Una: kung pag-ibig man ang nararamdaman at mararamdaman ko kay Hannah … pinapangako ko na ipaglalaban ko siya… hanngang dulo.

NOTUS CERTANUS [season1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon