---VENTE-UNO---

230 8 2
                                        

BULAG NA PUSO, KAILAN KAYA AKO MAKIKITA?

Lumipas ang mga araw at bumababa na din si Una sa Lupa para gampanan ang kanyang misyon.

Papasok sakanilang school: mabilis ang paglakad niya kaya lumilipad na lang ako sa tabi niya

Kupido: Una, try mo kaya makipag-usap sa tao?

Una: Bakit?

Kupido: Para naman magkaintindihan kayo ni Hannah. Parehas kayong mangmang e.

Una: Kailangan?

Kupido: Paano pag nagkausap kayo? Sige nga anong mga sasabihin mo?

Una: Hindi ko alam.

Kupido: Kaya nga subukan mo makipag-usap sa tao.

Una: Nakikipag-usap naman ako a.

Kupido: Kanino? Kay Mark? Kay Valerie? Eh bilang lang sa kamay yung mga salita mo e.

Una: Eh kasi, anghel ako.

Kupido: Tao si Hannah.

Tumigil siya sa paglalakad.

Nababasa ko ang utak niya “… hindi kami pwede? …pero” nagbuntong hininga siya

Una: Sige, gagawin ko.

Hindi ko alam kung papaano, sa tagal ko ng pinag-aaralan ang pag-ibig sa mundo… wala padin sino man ang makakapagpaliwanag sakto kung paano nagsisimula ang pag-ibig… at tulad ng halaman ay lumalaki at lumalago ito.

Na kaya mong gawin ang lahat para sa taong mahal mo?

Binantayan kong maigi ang bawat araw nilang dalawa. Sinubaybayan ko si Una, at natutuwa ako sa mga ngyayari.

Papaano mo mamahalin ang isang nilalang na hindi mo naman lubos kilala?

Mahusay niyang ginampanan ang kanyang mga misyon, at walang mintis… bago matapos ang araw palagi niyang binabantayan sa pagtulog si Hannah.

Ramdam ko ang pagod na dala-dala niya.

Hindi basta-basta.

Maging tao sa umaga-tagapagtanggol sa lahat ng oras-at anghel dela gwardya sa gabi.

Nakaupo siya sa sahig, pinapanood si Hannah.

Una: Ang kulit niya matulog.

Paikot-ikot siya sa kama : ))

O nakanganga pa siya : ))

Para lang siyang nanunuod ng comedy.

Bakas sakanyang mga ngiti tuwing gabi na napapawi lahat ng kanyang pagod.

Kaya naman hindi ko na napigilan mgatonong

Kupido: Una, anong meron si Hannah?

Kupido lang ako, pero hindi parin ako nakakaranas ng pagmamahal… ng ako mismo.

Una: Ha? Anong ibig mong sabihin?

Kupido:Bakit mo siya gusto?

Una: Kupido ka diba?

Tinignan ko lang siya at mas naghintay pa ng isasagot.

Una: bakit mo ko tinatanong? … eh alam mo naman na hindi ko kailangan ng dahilan para mahalin siya. Halika nga rito <tapos kinalong niya ako>

Kupido: Eh bakit ang saya-saya mo?

Nakahiga si Hannah patagilid, paharap sa amin. Hinawakan niya ang kamay niya, medyo nilapit ang kanyang mukha, ngumiti at sinabing

NOTUS CERTANUS [season1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon