Nilikha sila upang bantayan ang mga taga-lupa, upang panatilihin ang kaayusan ng bawat elemento.
LUPA.
TUBIG
HANGIN
TAO
HAYOP
KALIKASAN
MGA KALULUWA.
Lahat ng elemento na may buhay. Responsibilidad nila ang kaayusan ng boong daigdig.
Nilikha sila kawangis ng Panginoon, tulad sa tao. Ang kanilang mata, ilong, labi, tainga… lahat halos pareha. Maliban sa, taglay nila ang kakaibang ganda, at kikisig ng mga katawan na hindi naluluma sa pagdating ng mga panahon. Kutis na malaporcelena na kumikintab sa tuwing sila’y gumagalaw. At pakpak na unti-unting nadadagdagan sa bawat misyon na kanilang nalalagpasan.
Ginuhit sila, katulad sa mga tao… dahil sila rin ang nagiging koneksyon ng Diyos mula sa langit sa daigdig.
Sila ang naghahayag ng mensahe ng Diyos, sa katawang tao.
Sila ang may misyon na ipagtanggol ang mga tao mula sa kabilang mundo, sa katawang tao.
Sa pagitan ng pagkakapareha, may isang natatanging batas ang pumapagitna sakanilang dalawa.
Ang batas ng mga anghel… na hindi sila maaring magmahalan.
Wala silang pangalan. Lahat ng anghel ay nagumpisang walang pangalan, pero kilala nila ang bawat isa, kilala rin nila kung sino ang tinutukoy ng kapwa nila. Nagkakaroon lang sila ng pangalan sa tuwing nararating na nila ang kanilang pinakamataas na rangko sa bawat elementong naidestino para sakanilang pamunuan, o kaya naman maging ang kabaliktaran nito na hindi man lang makaahon sa kanyang rangko… at kung pinaghihinalaan silang maging isang itim na anghel sa hinaharap.
Tulad ng tao, nagsimula rin sila sa pagiging sanggol. Sila yung mga anghel na kadalasan ay umiiyak, sumasabay sa pagbuhos ng ulan.
“Magsitigil kayo!” sigaw ng babaeng anghel. Ang sigaw ng mga naasar na anghel ang nagiging kulog.
At pag lumaki na sila, sabay-sabay silang papasok sa isang parang paaralan sa langit. Doon, matutunan nila ang lahat ng batas sa bawat elemento na kanilang proprotektahan.
Magsisimula sila sa pagiging kupido. Kadalasan, dahil sa kakulitan, maraming maling napapana ang mga batang anghel… kaya naman ang mga tao makakailang girlfriend o boyfriend pa bago nila mahanap ang taong kapalad nila. Minsan naman kahit na napana na sila, pilit nilang nilalayo ang sarili nila sa pagmamahal. Kung ganoon ang magiging kaso, hindi la-laki ang batang kupido hanggang sa mahanap na nila ang totoong mga soul mate ng human partner nila.
Pagnalampasan na nila ang kanilang misyon, doon pa lamang magdedesisyon ang Panginoon kung saang elemento sila mapupunta.
LANGIT – Ang Arkanghel. Sila ang mga puting anghel na lumalaban sa mga itim na anghel para mapanitili ang katahimikan sa langit. sila din ang mga namumuno sa mga anghel na Tagapagtanggol.
-Discorde. Ang mga puting anghel na nagsisilbing hurado sa langit, sinisigurado rin nila ang pagsunod ng lahat ng anghel sakanilang batas, upang mapanitili ang kaayusan at katahimikan sa bawat isa.
-Seraphim. Ang pinakamataas na ranko sa langit.
LUPA- Taga-sundo. Sila ang mga puting anghel na sumasundo, naghahatid, at sumasalubong sa mga kaluluwa papunta sa langit.
-Celestialis. Ang mga puting anghel na nagbabantay sa pagitan ng langit at lupa.
TUBIG- Dominatus. Sila ang mga puting anghel na nagbabantay sa lahat ng elemento ng tubig. Maging sa sakop niyang isda at iba pang mga lamang-dagat.
TAO – Virtu. Sila ang mga puting anghel na nagbibigay lakas sa mga tao sa tuwing sila’y nawawalan na ng pag-asa sa pamamagitan ng isang himala.
--Guardian Angel. Isa sa mga pinakamababang uri ng mga anghel. Bawat tao, may kanya-kanyang kapareha.
- Tagapagtanggol. Bago pa sila maging Archangel, dito sila sinasanay upang maging isang magaling na taga-pagtanggol ng mga nilikha. Kailangan nilang malampasan ito, kailangan nilang magkaroon ng isang daang sunod-sunod na panalong laban, laban mula sa mga itim na anghel na patuloy nagkakalat ng kasamaan sa daigdig. Isang pagkakamali ay katumbas ng sampung sunod-sunod na panalong laban.
Tanong ba sa isip mo kung sino ang nagbabantay sa iba pang elemento tulad ng Hayop? Bakit walang anghel na nakadistino para sakanila? Hindi ba’t likha rin sila ng Diyos?
Wala. Walang anghel ang nakadestino para saknila.
Sa dinami-dami ng nabanggit na grupo, bakit wala kahit isa man lang ang nailaan para sakanila? Bakit sa tao ang daming nakabantay… higit bang mahal ng Diyos ang mga tao kesa sa hayop? Kung oo, nasaan ang Amang may pagkapantay-pantay.
Ang sagot…
Bakit wala, ni isa man lang ang nailaan para sakanila? Ito ay dahil responsibilidad ng tao ang alagaan sila. na sa bawat hayop na nadidisgrasya ay nakakadismaya dahil hindi nila nagagampanan ang kanilang tungkulin.
Pero sa kabila nun bakit andami pading gumagabay sakanila? Iyon ay dahil wagas ang pagmamahal ng Diyos. Sa tao sumentro ang mga kalaban, ang mga itim na anghel, dahil ginawa silang kawangis ng Diyos at sa dahilang yun ay maari ring dumami pa ang kanilang sapi. Kaya naman mas madaming gumagabay sakanila, hindi dahil sa paborito silang likha, kundi mas madaming pahamak ang maaring mangyari sakanila.
TEMPTATION.
LUST.
GLUTTONY.
ANGER.
JELOUSY.
AVARICE.
SLUT.
PRIDE.
Lahat ng yan, galing sa mga itim na anghel, na patuloy kinakalaban ang Ama. Minsan ba naitanong mo bakit hindi na lang niya alisin, ang masasamang nilalang sa mundo… diba’t makapangyarihan siyang totoo?
..
..
..
Ito ay dahil, mahal na mahal niya ang kanyang likha. Kaya niya, ngunit hindi niya gustong alisin o burahin sa mundo ang anumang galing sakanya… patuloy lang siyang naghihintay sa pagbabalik loob ng kanyang mga anak, maging ang mga itim na angel.
..
..
..
..
..
Ilang daang dekada na ang lumipas, at hindi parin nakakaalis si Vida sa kanyang pagiging isang kupido. Ang ibang mga tao pa nga’y namamatay na lang na hindi nakakatagpo ang kanilang kabiyak. Ilang beses ng pinalitan si Vida sa kanyang mga misyon, pinagpasa-pasahan na niya ng iba’t-ibang mga tao. Ilang beses na din siyang tinutulungan ng kapwa niya anghel… yung tipong sila yung gagawa nung paraan para magkita ang dalawang tao, magkalapit at magkaunawaan pa saka ipapasa na ulit kay Vida… kaso sa tuwing pinapaasa na ito kay Vida, bigla na lang nagkakaroon ng problema.
<INFIDELITY>PAGTATAKSIL. Yan ang kadalasan dahilan…
Nung sumapit ang ika-isang libong dekada siyam naraan siyam na pu’t isa ni Vida sa pagiging isang kupido padin, nagdesisyon ang Ama ipadala siya sa Lupa, upang siya na mismo ay matutunan ang kanyang pagkakamali.
Sa likod ng salitang <LOVE> PAG-IBIG
…
…
…
…
BINABASA MO ANG
NOTUS CERTANUS [season1]
RomanceANGEL-HUMAN-ANGEL how long will it takes to fight for your love? if everything seems to be UNCERTAIN, will you still fight for it?