ISANG PAGKAKAMALI, KAPAYAPAAN KAAYUSAN, LAHAT MABABALI.
Kinabukasan ay muling nabalot ng misteryo ang kanilang silid-aralan.
Nerrisa:
Lumapit na sila sa coordinating director para humingi ng tulong, pabas-basan ang kanilang klase ngunit hindi sila pinansin.
Hanggang sa dumating ang araw na pinuntahan ng punong-pinuno ng aming paaralan si Hannah sakanilang classroom.
“Kung maari, tigilan na ninyo ang paggawa sa mga nakakakilabot na kwento sa ating paaralan”
Dun ko lang nakita na biglang nanlisik ang mga mata ni Hannah ng napatingin siya sa punong-pinuno.
“Tigilan ninyo ang pananakot, ang mga sa isip niyo na gawa-gawa lamang… kung hindi”
Hannah: kung hindi ano?
Nagbago ang boses ni Hannah. Magkakahalong boses ngunit may tamang timpla ng pagkakabigkas.
Tumulo nanaman ang kanyang hindi nagpapapigil na mga luha.
Nakita ko, andaming nakahawak na elemento sa balikat niya… ang dahilan ng luha na hindi mapatigil.
Hannah: kelan niyo ba papakinggan ang aming boses na nagsasabi ng totoo?
Ang kanyang boong boses ay biglang parang nakain ng lungkot.
“Mrs. Rivera, kausapin mo ang mga estudyante mo. Ayusin mo yan”
Saka siya umalis.
Pinilit tumayo ni Hannah, ngunit nabibigatan na siya.
Nagpagewang-gewang siya sa paglalakad, ngunit pinilit padin niyang lapitan si Mrs. Rivera ang kanyang adviser para humingi ng tulong.
Bawat hakbang niya ay nararamdaman niya ang bigat, bawat hakbang ay may sumusuporta sakanyang kamag-aral para makarating sa kinakatayuan ni Mrs. Rivera.
Gumapang ang kamay ng babaeng elemento mula sakanyang balikat papunta sakanyang harap. Pinatong pa niya ang isa niyang kamay sa kabilang balikat nito na para bang pilit gustong pasukin ang katawan ni Hannah.
Yinakap niya si Mrs. Rivera.
Ang malusog na kanyang guro ay napaurong sa pagyakap niya.
Sinalo niya ang bigat na dala ni Hannah.
.
.
.
Hannah: tulungan niyo ako. hindi ko na alam kung anong ngyayari sa akin.
Papasukin na sana ng ligaw na kaluluwa si Hannah, pumikit na siya na para bang isinusuko niya ang kanyang katawan, bigla ko siyang hinila papalayo.
Nanlilisik ang kanyang mata na para bang gustong humingi ng hustisya.
Buti na lang at dumating agad si Una para tulungan ako.
Tinaas niya ang kanyang kamay sa ulo ng ligaw na kaluluwa.
Habang sinasabi niya ang isang dasal ay unti-unti siyang nghina.
Una: Sa ngalan mo Diyos na makapangyarihan sa lahat, tinataas ko ang kaluluwang liga na ito. Bigkisin mo ng liwanag ang kanyang mga kamay. Itali mo ang kanyang mga paa sa pamamagitan ng matitibay na rehas na walang sino man ang makakabali. AMEN
“Amen? Amen? AMEN?! Kasalanan mo ito! Kasalanan mo! Hindi ako titigil! … hindi ako titigil!”
Nakakatakot ang linya na kanyang binitawan. Lumuluha siya ng dugo, naglalaway ng kulay itim na likido.
BINABASA MO ANG
NOTUS CERTANUS [season1]
RomanceANGEL-HUMAN-ANGEL how long will it takes to fight for your love? if everything seems to be UNCERTAIN, will you still fight for it?