---DISE-SYETE---

217 8 3
                                    

PAGHAHANDA

Pinatawag kami ng anghel dela gwardya na nagpresinta na tulungan ako sa aking magiging misyon. Ilang beses ko siyang tinanong kung ayos lang ba sakanya na tulungan at samahan ako, alam ko naman kasi na… may binabantayan siyang iba. At sa kaso niya, mahihirapan siyang maglakbay dahil hindi naman tunay na magkakilala si Hannah at Valerie, ngunit nagpumilit parin siya sa akin… mas mapapantag daw ang kanyang loob kapag sasamahan niya ako sa misyon.

Ang anghel dela gwardyang tinutukoy ko, ay isa sa mga malapit kong kababata, nagbago lang ang aming naging kapalaran nung tinanggap ko ang tungkulin bilang isang tagapagtanggol

Sa matagal na panahon ang lumipas, masaya ako na makakasama ko ulit siya sa aking magiging misyon.

Kinausap kami ng mga Archangel kung papaano tatakbo ang araw sa aming misyon. Sinabi nila na kailangan ko ipagpatuloy ang pagiging tao bilang isang tagapagtanggol, habang ako ay nasa katawan ng tao babantayan nila si Hannah, susubukin ang abilidad niya. Anumang oras, ay may maaring promotekta sakanila ni Nerrisa. Humingi sila ng tawad sa akin dahil inasa nila ang boong misyon sa akin ng mag-isa… para sa akin ay wala naman iyong problema. Makita ko lang kasi si Hannah, nawawala ang pagod ko. Kaso nga lang, makita ko lang siya nawawala na sa isip ko na tagapagtanggol nga pala ako. : )) pagkatapos ng klase, sunod ko namang mamatyagan si Valerie sisiguraduhin ko na walang mangyayare sakanyang masama. Tapos pupuntahan na namin si Hannah. 

Sunod na kumausap sa amin ang mga Discorde, nagulat ako nung sinabi nilang walang magiging batas o anumang bawal sa aming magiging misyon. Malakas daw ang makakalaban namin kaya… gawin na lang namin ang nararapat. Pero syempre, wag daw namin abusuhin ang kalayaan na kinaloob sa amin… kundi ay alam na namin na may magiging kaukulang parusa.

Nung malinaw na sa amin ang lahat ay pinaluhod kaming dalawa ng aking kasama.

Pinatong ang mahiwagang espada ng dalawang Seraphim at binigyan ng biyaya.

STRENGTH

KNOWLEDGE

WISDOM

Lakas upang magapi ang mga itim

Talino sa pagdedesisyon

At ang kapangyarihang iwaksi ang kasinungalingan upang malaman ang katotohanan.

Pinagaan nila ang misyon ko lalo na ang pagsama sa akin ng anghel dela gwardya, sa tuwing matatameme ako kay Hannah ay nandoon siya para gabayan ako. : ))

Nakakahiyang aminin pero… babae lang pala ang magiging kahinaan ko.

Isang ordinaryong araw lang naman, ngunit malakas talaga ang kabog ng aking puso. Pabalik-balik ay tinitignan ko ang aking itsura sa harap ng pahabang rumaragasang tubig na katumbas ang salamin sa mga taga-lupa.

Una: ehem! <umubo ako na parang nililinaw ang aking boses> Hi. <saka ngumiti habang tinitignan ang aking repliksyon. Kumunot ang aking noon a parang… hindi bagay> Kamusta ka? <umiling ako, hindi kami close, at muling naglakad habang nag-iisip ng magiging magandang pagbati kay Hannah.>

“Magrelax ka nga. Huminga ka ng malalim… be natural!” biglang lumapit sa akin ang kupido. “Wag ka nga masyadong nagpapahalatang crush mo si Hannah”

Agad ko siyang binuhat saka tinakpan ang kanyang bibig, tumingin sa palgid saka siya binantaan. Sssssshhh!

Una: halata ba?

“Haaay naku, binubuking lang kita umaamin ka na agad”

Binaba ko siya sa pagkakabuhat, napapikit sa asar ka napahawak sa aking noo… binubuking niya lang pala ako, nagpabuking naman ako.

NOTUS CERTANUS [season1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon