HINDI LAHAT NG KAHINAAN AY KARUWAGAN, HINDI LAHAT NG KATAPANGAN AY WALANG KAHINAAN.
“Drawing?” sabad ng anghel dela gwardya.
Ngumiti lang ang kupido.
“Maari ba akong sumama?”
Una: Paano yung kapareha mo?
“…mahilig kasi ako…” tapos ay yumuko siya.
“Oo naman!” nakangiting sabi ng kupido.
Una: Paano kung mapahamak si Valerie?
Nakatingin lang siya sa akin na para bang pinipilit padin niya ang gustong pagsama.
“Una, pagbigyan mo na siya. Hindi ba marunong gumuhit si Valerie?”
Umiling siya sa pagtanggi “Mahilig lang siya kumanta”
“Alam mo ba si Hannah , ang galing niya magdrawing, may kasama pang kwento!”
Ngumiti ang anghel dela gwardya na para bang mas lalo siyang nanabik sa pagsama, ngunit nagbago ang kanyang reaksyon sa pagtingin sa akin.
.
.
.
.
Nasundan ng katahimikan, malamang ay hinihintay ang magiging desisyon ko.
Una: Nag-aalala lang naman ako, paano kung may mangyari kay Valerie? Hindi maganda ang loob na nakikita k okay Mark.
“Alam mo Una, napakamaalalahin mo talaga kaya maraming nagkakagusto sa iyo e”
Namula ang anghel dela gwardya.
“Saglit lang naman… pangako, isang drawing lang!”
Ano bang meron ang pagguhit ni Hannah?
Hinila muli ng kupido ang laylayan ng aking polo saka sinabing “Sige na pleaseeee”
Pinagdikit ng anghel dela gwardya ang kanyang palad saka sinabing “Please”
.
.
.
May magagawa pa ba ako?
.
.
.
Una: Kung ganoon, mauna na kayo. Sisiguraduhin ko muna ang kaligtasan ni Valerie bago ako sumunod sa inyo.
“Napakatapat mo talaga sa tungkulin, Una! kaya kita idol e.”
Hinawakan niya ang anghel saka sinabing “tara na”
.
.
.
Sinundan ko si Valerie para makita kung magiging ayos lang ba na umalis saglit ang kanyang kapareha. Pumunta siya sa music room, narinig ko ang kanyang boses na kumakanta sa di kalayuan. Totoo nga ang sinabi ng kanyang kapareha, maganda ang boses niya. Mula sa binatana ay tinignan ko ang loob nito. Wala namang anumang nagbabadya ng kapahamakan, wala naman sigurong itim na nagkakainteres sakanya kaya…
Paalis na ako ng bigla niya akong nakita.
Valerie: Anong ginagawa mo dito?
“Wala naman, tinignan ko lang kung ayos pa ba yung mga gamit sa music room.”
Valerie: Bakit? Sa iyo ba to?
“Hindi naman sa ganoon”
Paalis na sana ako ng bigla ay kinausap niya akong muli
BINABASA MO ANG
NOTUS CERTANUS [season1]
RomanceANGEL-HUMAN-ANGEL how long will it takes to fight for your love? if everything seems to be UNCERTAIN, will you still fight for it?