KaIBIGan lang pala #1

382 4 0
                                    

Nang una kitang nakilala
Diko napigilan ang sarili manghusga
Sa iyong mga katangian,
Na akala ko'y katulad ka nila
Na walang ginawa kundi gumawa ng kolokohan
Ngunit sino nga ba naman ako para ikaw ay husgahan?
Marahil isa lamang akong kawalan
Na walang ginawa kundi ika'y pagbintangan.

Sa mga araw na nagdaan
Ikaw ay aking nakalimutan
Na ikaw ay nabubuhay sa mundong aking ginagalawan
Tila ang aking atensyon ay natuon
Sa mga bagay na nagkataon
Upang ikaw ay ibaon
Sa malaking alon.

Sa panandaliaang panahon
Ako ay nagkasakit na kalimot
At pagkaraan ay nayamot
Dahil sa karampot na ideya
Na ikaw ay may kinakasama
Ako'y walang karapatan para malungkot
Dahil sa pag asang nalukot
Na aking tinapon at sa pagkakataong aking muling pupulutin ay may iba nang dumampot.

Ngunit wala nang panahon para pagsisihan ang nakaraan
Dahil may kasalukuyan
Na dapat aking pagtuonan
Para sakin kinabukasan
Sino ka ba naman? para ako'y pigilan
Abutin ang aking mga pangarap na inaasam
Kung sa huli ikaw parin ay lilisan.

Sa paglisan ng taon,
Ikaw ay muli kong nakilala
Sa ibang paraan, panahon at pagkakataon
Tibay nga naman ng tadhana
Para ikaw ay muli sakin ay ipakilala
Ngunit sa pagkakataong ito ay ikaw ay aking bubuoin
Mula sa kawasakan ng iyong puso.

Nang ikaw aking matapos
Na ibalik sa dating ayos
Ikaw ay matayog na tumayo
Ngunit di ako akalain na ikaw sakin ay lalayo
Pagkatapos ika'y kupkupin sa nagdaang delubyo
Ngunit sino nga ba naman ako para ikaw ay pigilan
Sapagkat ako ay isang hamak na KAIBIGAN lamang.

Poem Collection (FULLY LOADED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon