Isang malaking larawan
Nakaguhit sa aking harapan
Bawat isa makikitang may dala
Merong masasaya at meron din lugmok sa kalungkutan
Tila ang bawat paglapat ng lapis
May kaakibat na paghihinagpis
Bawat pagdapo ng malamig na pintura
Ay nabibigyan ng kulay ang bawat estraktura
Unti unting nagbibigay linaw sa bawat matang nakatutok
Ang iba'y nanahimik
Ang ilan may tinago
Ang iba ay nagtago
Takot ang nanguna sa puso
Takot ang buhay ay madamay
Takot na sila ay mamatay
Takot na makita ang tunay na kulay
Kaya ngayon mga mata'y tinago
Mga kamay na tila naka pako
Mga paang binigti
At lahat tila ay napipi
Ang lahat tila tinago sa likod ng salamin
Sa likod ng matang nangungusap
Mga damdaming kailangan alamin
Nang matapos ang obrang tinago sa malinaw na babasagin.
8:02pm
Mon, June 11 '18
BINABASA MO ANG
Poem Collection (FULLY LOADED)
PoetryProse, qoutes, poetry, and thoughts ~ Pasensya sa mga paulit ulit na themes at words. Try to cope up with more other emotions :) Broken kasi lola nyo bwahahaha noon. Ayoko naman itago yung past xD Dyan padin naman ako nagmula. Ako padin gumawa nun a...
