Isang Liham, Para Magpaalam #4

87 3 0
                                    

Nais kong mag paalam
Ngunit diko alam kung paano sisimulan
Kung sa una palang alam mo na ang laman ng aking liham

Walang permanente sa mundo
Tulad ng ikaw at ako
Masakit, Oo
Pero lahat ng ito titiisin ko

Hindi sapat ang 'Mahal kita'
Para ako ay manatili sa buhay mo
Dahil hindi ako ang magdedesisyon nito
Mahal kita, Oo
Pero sa tingin ko hanggang dito nalang ako

Minsan lang mabuhay ang isang tao
Kaya ibubuhos ko ang buong pagmamahal ko sayo
Kahit na dimo na ibalik ito
Nakakalungkot, Oo
Labis na pighati ang dulot nito

Nakilala kita sa panahon na nabubuhay pa ko
Sobrang kaligayahan ang dala mo
Sa bawat banat mo na nakakaloko
Masaya, Oo
Ngunit diko na mababalik ito

Sa mga panahon na may lakad tayo
Magkikita tayo
Makikita kita
Naeexcite ako, Oo
Kasi mayroon nanaman akong nagiging baong alaala kasama ka

Sa mga panahon na kinukulit mo ako
Kung ano anong tawag ang ginawa mo
Kahit na di kita pinapansin
Nakakainis, Oo
Dahil ito na pala ang huli

Ilang beses kita sinuyo
Ngunit walang epekto ang kahit ano
Di mo nako kinikibo
Nagalit ako, Oo
Kaya di narin kita pinansin sa mga panahon na nagkakasalubong tayo

Ang dami nating kalokohan
Tuwing break time, uwian, hanggang sa makarating sa bahay
Kung ano ano ang napagtritripan
Nakakamiss, Oo
Ngunit tapos na ito

Lahat nang ito ay nabuhay sa nakaraan
Lahat nang ito ay di na mababalik kailanman
Lahat nang ito ay mananatiling alaala nalang
Hanggang sa ibaon sa limot ang lahat
Sa pamamagitan ng salitang paalam.

Kaya nga sa mga panahon na isinusulat ko ang bawat salita dito
Diko mapigilan ang bawat pag agos, pag tulo ng maiinit na luha
Nakakaiyak, Oo
Kasi kailanman diko na mararamdaman ang kahit ano diyan

Dahil sa bawat pagturok
Sa bawat hapdi at kirot
Sa bawat sakit na nararamdaman ko ngayon unti unti
Nagmamanhid na ako, Oo
Dahil unti unti nang nasasanay ang katawan ko sa sakit, hapdi at kirot

Hanggang dito nalang kita masasamahan
Sa paglalakbay mo,
Kung may makasalubong ka man
Wag kang mag alinglangan sila'y lapitan
Okay lang ako, Oo
Dahil sa kahit anong paraan kaya kitang suportahan

Masakit, nakakalungkot pero hanggang dito nalang
Mahal kita, nakakaiyak, nakakaexcite
Nakakainis kasi tapos na
Magalit ka man, wala nang mangyayari
Kasi ito na, nangyayari na

Paalam, maraming kahulugan
Ngunit isa ang ating kinatutumpukan
Hanggang sa muli, Paalam.

Poem Collection (FULLY LOADED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon