Sa isang tahimik na syudad
Maririnig mo ang ibong lumilipad
Na hindi plinano na makarating sa kinaroroonan mo
Ngunit pinagpala ka upang makita moMakita mo kung gaano maging masaya ang malaya
Malaya mula sa kamay ng iba
Malaya sa harap ng madla
Malaya mula sa panghuhusga nilaTila sarap mabuhay na walang pinoproblema
Yung tipong hihiga ka lang sa ilalim ng mga tala
Pinagmamasdaan ang malayang kalangitan
At mangarap na tila sang ayon sa iyo ang sanlibutanAng sarap mabuhay na may kulay
Sumisigla ang matamlay
Na dati akala mo'y pipi
Ngayon ay may silbiAng taong ito'y tahimik na namumuhay
At tinatanggap ang kahit na anong hamon ng buhay
Sila yung taong may malabot na puso
At madaling bumigayDimo makikita ang nararamdaman sa loob nito
Kahit na sabihin simpleng salita
Ngunit may malalim at ibang kahulugan sa iba
Mahirap magsalita lalo na't dimo alam ang kwento nilaMadaling manghusga ng tao
Na parang tumitikim ng kung ano
Ngunit ito ang tatandaan mo
Lahat ng pinipintasan mo ay ang bagay na kinaiinggitan moKinaiinggitan dahil salat ka sa mga bagay na ito
Na kailanman alam mong di mapapasayo
Dahil dika karapatdapat ditoHuni ng ibong lumalangitngit
Pagaspas ng hanging nagpapalamig
Ngunit ang munting tinig ay di marinig.
BINABASA MO ANG
Poem Collection (FULLY LOADED)
PuisiProse, qoutes, poetry, and thoughts ~ Pasensya sa mga paulit ulit na themes at words. Try to cope up with more other emotions :) Broken kasi lola nyo bwahahaha noon. Ayoko naman itago yung past xD Dyan padin naman ako nagmula. Ako padin gumawa nun a...