May Tayo ba? #3

91 1 0
                                    

Kay tagal kong inisip
Kay tagal kong inaantay
Na ikaw ay magsabi ng iyong nararamdaman
Ngunit parang mauuwi sa wala lang?

Nais kong malaman
Ang iyong nararamdaman
Sa tuwing ikaw ay nasasaktan
Sino ang dahilan?

Sa tuwing ikaw magbabanggit ng paalam
Ako'y labis na nasasaktan
Kailan nga ba magiging masaya ang maiwan
Kung mag isang haharapin ang kalungkutan

Kay sarap bang pag laruan
Ang salitang mahal kita
Na sa tuwing iyong babanggitin
Ay may taong umaasa
Na totoo syang mamahalin?

Pagmamahal na dimo kayang ibalik
Ngunit iyong kayang tanggapin
Pagmamahal na sa iyo di karapatdapat
Ngunit iyong natatanggap
Pagmamahal na labis sa iyong ibinuhos
Ngunit iyong itatapon?

Itatapon na parang wala lang?
Ang pagmamahal na pinaghirapang ipunin
Ang pagmamahal na handang magsakripisyo at masaktan para sayo!
Lahat ng iyon binalewala mo
Sino nga ba naman ako?
Ano nga ba naman ako sa buhay mo?
May karapatan ba kong masaktan nang ganito?
Ano nga ba tayo?
May tayo ba?
O ako lang tong umaasa?

Poem Collection (FULLY LOADED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon