Isang kwarto na punong puno ng alaala
Kung saan nagtagpo ang ating mga mata
Ang lugar nang una kitang makilala
Ang lugar kung saan ako'y naghabi ng pangarap upang maging makata
Nagsimula sa paghahatintulad sa papel
Hindi nagsasalita ngunit handang makinig
At ikaw ay isang lalaki bukambibig "maappeal"
Pero lumalabas lang sa kabilang pandinig
Bawat isa may kanyang kanyang gawain
At meron din mga lalaking walang magawa
Tuwing breaktime, parang fiesta kung kumain
Lahat ay magiliw at nangawa
Sarap makita kung tayo'y nagkakaisa
Ngunit lahat ay may kaakibat na problema
Iniisip at pinupunto lagi ang pinagkakaiba
Isang ugaling kinaiinisan ng bawat isa
Ngunit hindi maalis ang pangamba
Pag trip ka nila wala kang magagawa
Tingin ng iba tila nagpapababa
Mga salitang nakakasakit
At tila walang pamalit
Sa paraang di makakasugat
Dahil walang lalapit
Sa taong nagpakagat
Tingin na tila nakakasuka
Tila nangamoy na basura
Ugaling kailangan itapon
Ngunit lahat ay tinipon
Para sa panibagong umaga
Wala nang maririnig na "maappeal" sa bawat sulok ng pasilyo
Sapagkat tinapos na ang paghinga galing sa baga
Dahil tinapos na nang walang tayo
Lumagapak,
Nagising mula sa pagkagulat
Lahat ng naramdaman ay isang bangungot
Nang siyang matakot muling matulog
2:47am
Mon, June 11 '18
BINABASA MO ANG
Poem Collection (FULLY LOADED)
PoetryProse, qoutes, poetry, and thoughts ~ Pasensya sa mga paulit ulit na themes at words. Try to cope up with more other emotions :) Broken kasi lola nyo bwahahaha noon. Ayoko naman itago yung past xD Dyan padin naman ako nagmula. Ako padin gumawa nun a...
