Isang kang bituin sa langit
Isang bulaklak na marikit
Isang buhay na nasa bingit
Isang pag ibig na nasa limit
Ang sarap pangarapin
Ang sarap lasapin
Ang sarap isipin
Ang sarap limutin?
Ngunit hanggang saan
Hanggang kailan
Matitiis ang pagibig na pinagbabawalan?
Ang hirap tapusin dahil di pa naman nasisimulan
Di man ngayon sana sa susunod na pagkakataon
Sana, sana makilala kita
Makilala mo ko
Para sa ganyon patas tayo
Minahal kita noon at mamahalin mo ko ngayon
Isang kahibangan
Isang kasakiman
Isang malayong bituin
Isang bituing kasumpa sumpang abutin
Isang parangap na mahirap abutin
At kailan man hinding hindi mapapasakin
BINABASA MO ANG
Poem Collection (FULLY LOADED)
PoetryProse, qoutes, poetry, and thoughts ~ Pasensya sa mga paulit ulit na themes at words. Try to cope up with more other emotions :) Broken kasi lola nyo bwahahaha noon. Ayoko naman itago yung past xD Dyan padin naman ako nagmula. Ako padin gumawa nun a...
