Sugat ng kahapon #19

37 1 0
                                    

Ang sakit sa mata
Mga pares na nakikita
Hindi naman sa hindi maganda
Ngunit kung iyong mapapansin ikaw lang ang naiiba

Kakaiba sa paningin nila
Pero hindi kayang maging katangi tangi
Kahit hangadin ng iba
Iba parin pag siya

Ako, siya, sila, tayo?
Lahat ay pinag iba
Ako ay para sa kanya
Siya ay para sa iba
Sila ay pinagsama
At tayo? Walang tayo

Walang future sa tayo
Kasi wala namang present
At mas lalong walang past
Dahil lahat ng panahong lumipas
Ay siya lamang pinalampas

Mga larawang igunuhit
Sa malinaw na tubig
Ay siyang hinugasan
Lahat ng mantsa ay nawakasan

Mga buhol ng dila'y nasambit
Mga damdamin nasilayan
Mga galit na iniiwasan
Ay siyang mong natunghayan

Mga binili ng kahapon
Ay siyang inaani ngayon
Pati mga susunod na henerasyon ay may baon mula sa kahapon hanggang sa ngayon.

Poem Collection (FULLY LOADED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon