Maririnig sa bawat patak,
Mga salitang pumapalatak
Bawat sambit
Mga bagay na nagbibitbit
Sa lugar na nakakasakit
Mga matang nakaaakit
Bawat pagkukulang
Mga nakaraang nagdaan
Mga opurtunidad na pinalampas
Na unting unting kumukupas
Kailan matatapos
Ang pag ibig na di natapos
Kailan mauupos
Ang pag asang naubos
Eto na eto na!
Unting unting bumabagsak
Mga hinanakit
Mga bagay na nakasakit
Unti unti tumutulo,
Bawat patak ng panlulumo
Natapos na
At eto na ang simula
Simula ng panibagong pag asa
Ang ulan ang simbolo ng kalungkutan
At ang makulay na kalangitan
Ang ating katapusan.
BINABASA MO ANG
Poem Collection (FULLY LOADED)
PoesíaProse, qoutes, poetry, and thoughts ~ Pasensya sa mga paulit ulit na themes at words. Try to cope up with more other emotions :) Broken kasi lola nyo bwahahaha noon. Ayoko naman itago yung past xD Dyan padin naman ako nagmula. Ako padin gumawa nun a...
