Mahal kita
Salitang maraming pinatutungkulan
Salitang maraming kahulugan
Salitang walang katapusan
Salitang walang hanggananMahal kita
Sa paraang di mo kayang tumbasan
Sa paraang di mo aakalain
Sa paraang di mo kakayanin
Sa paraang di mo kayang limutinMahal kita
Kahit ang hirap hirap na
Kahit ang sakit sakit na
Kahit sobra sobra na
Kahit na...Kahit na humangtong tayo sa katapusan
Pagmamahal ko sayo ay walang hanggan
Kahit na di mo na kayang balikan
Ngunit kayang mong tingnan
Kahit na hanggang dito nalang
Sana nama'y wag mong kakalimutan
Ang panahon na tayo ay nagmahalanKahit na kasama mo na siya
Sana maalala mo man lang ako sa kanya
Na minahal kita ng higit pa sa pagmamahal niya sayo
Na minahal kita ng higit pa buhay ko
Na minahal kita higit pa sa pagmamahal mo sakinKahit na munting alala ng Mahal kita
Ay iyong ibaon hanggang sa kinabukasan
Na hinding hindi mo malilimutan may nagsabi sabi sayo ng Mahal Kita higit pa sa iniisip, inaakala at pagka alala mong minahal lang kita.

BINABASA MO ANG
Poem Collection (FULLY LOADED)
PoesiaProse, qoutes, poetry, and thoughts ~ Pasensya sa mga paulit ulit na themes at words. Try to cope up with more other emotions :) Broken kasi lola nyo bwahahaha noon. Ayoko naman itago yung past xD Dyan padin naman ako nagmula. Ako padin gumawa nun a...