Ikaw.
Sapagkat ikaw ang dahilan ng lahat
Kung bakit sumuko nang tapat
Dahil nakikita kong hindi sapat ang dapatSiya.
Sapagkat siya ang dahilan ng kalungkutan
Kung bakit ka nag paalam
Dahil sa pagkakataong ako'y hahakbang ikaw ay lumisanSila.
Sapagkat sila ang dahilan ng mumunting kasiyahan
Kung bakit may nanunuot na kilig
Dahil sa mga simpleng mensaheng binibigyan ng kahuluganKami.
Sapagkat kami yung dahilan ng kasiraan ng pag asang umusbong
Kung bakit ang pag ibig ay dapat na mayabong
Dahil ngayon mag isa nalang nanunuod ng mga tala sa itaas ng bubongTayo.
Sapagkat walang tayo kaya't walang anumang dahilan
Kung bakit pa aasa na magiging tayo
Dahil sapagkat, bakit? wala namang tayo.Ako.
Sapagkat ako na lamang ang gumagawa ng dahilan
Kung bakit meron tayong napag uusapan
Dahil ako, ako nalang. Ako na lamang ang may gusto ng mga kaganapan.
BINABASA MO ANG
Poem Collection (FULLY LOADED)
PoetryProse, qoutes, poetry, and thoughts ~ Pasensya sa mga paulit ulit na themes at words. Try to cope up with more other emotions :) Broken kasi lola nyo bwahahaha noon. Ayoko naman itago yung past xD Dyan padin naman ako nagmula. Ako padin gumawa nun a...