Ang sakit sakit na
Eto nanaman siya
Nakikita kang masaya
Pagpapapansin ay ginawa na
Pero mga tingin ay sa iba parin
Ilang beses binaliwala
Pero bumabalik padin
Yung sakit
Yung sakit nandito parin
Yung tipong ayaw mong maramdaman
Kaso eto paulit ulit parin
Pabalik balik na tila walang katapusan
Walang katapusan na hapdi
Kirot at pait
Mula sa sugat na diko alam kung kailan gagaling
At kung gagaling pa nga ba
Gusto ko lumayo
Kaso ako rin yung pilit na lumalapit
Kahit diko pansinin yung nararamdaman
Pilit parin nitong pinapaalala
Pinapaalala ang lahat
Lahat ng sugat at masasayang alaala
Gusto man pawiin
Kaso diko man lang kayang hawiin
Kasi walang sapat na rason
Rason na gusto kong malaman
Kaso pinagkaitan ako ng kapalaran
Dahil wala akong karapatan
Walang kami, ikaw at ako siguro?
Di kailangan ng closure kasi di naging kami
At hinding hindi magiging kami
Kasi di man sinimulan, tinapos na ng walang paalam at ngayon may naiwanan
Isang taong iniwan ng luhaan.
BINABASA MO ANG
Poem Collection (FULLY LOADED)
PoetryProse, qoutes, poetry, and thoughts ~ Pasensya sa mga paulit ulit na themes at words. Try to cope up with more other emotions :) Broken kasi lola nyo bwahahaha noon. Ayoko naman itago yung past xD Dyan padin naman ako nagmula. Ako padin gumawa nun a...
