Si kaibigan na laging maasahan
Kahit saan ka pumunta'y ikaw ay sasamahan
Kahit anong trip ay sasakyan
Kahit na dignidad niya iyong tapakanSi kaibigan na laging nagsasakripisyo
Sinasamahan sa inyong bisyo
Kahit na wala na siya sa wisyo
Ang isip niya parin ay nasa inyoSi kaibigan na laging nandyan
At hinding hindi ka iiwan
Kahit nasaan ka man ika'y pupuntahan
Kahit umaraw o umulanSi kaibigan na laging sumasalo ng gawain
Kahit di mo pansinin
Ikaw ay susuyuin
Kahit kailan ay hinding hindi ka papaiyakinSi kaibigan na palaging nandyan
Pero lagi mong pinagdidiskitahan
Kahit na iwanan mo'y
Mananatili siya, hanggang sa makita mo ang tunay niyang halagaPero hindi sa lahat ng pagkakataon
Ay lagi ganyan si kaibigan
Lahat sila may iba ibang katangian
Mahirap intindihin kung minsan
Ngunit kailanganMasarap maging matulungin
Ngunit hindi dadating sa puntong ikaw ay aabusuhin
Wag lang sila mag antay na ika'y mapagod
Baka kahit anino mo di nila masuyodMabuti ngunit hindi abusado
Alam kung ano ang makuntento
Sa kung ano meron ako
Ang kaibigang tunay na di iniiwan ang kanyang kaibigan.Si Kaibigan Mo.
BINABASA MO ANG
Poem Collection (FULLY LOADED)
PoetryProse, qoutes, poetry, and thoughts ~ Pasensya sa mga paulit ulit na themes at words. Try to cope up with more other emotions :) Broken kasi lola nyo bwahahaha noon. Ayoko naman itago yung past xD Dyan padin naman ako nagmula. Ako padin gumawa nun a...