Pero #6

53 2 0
                                    

Kamusta kana kaya?
Naka move on kana ba?
Naalala mo pa kaya ako?
Pero sino ba ko sa buhay mo?

Ang saya natin nung mga panahon na nakakatayo pako
Naglalakad papunta sa inyo
Nung nakakatakbo pako
Nung nakukutusan pa kita

Ang saya natin nung nakakapunta pako kung saan saan
Sa bahay nyo
Sa bahay nila
Sa bahay ng kahit kanino

Ang saya natin tuwing mag oover night tayo para sa project
Para sa activity
Para sa pagpractice
Kahit na puro kalokohan lang ang nangyayari

Masaya pero alaala nalang ng nakaraan
Masaya pero di na kayang balikan
Masaya pero puro kalokohan
Masaya pero laging pinagbabawalan
Masaya pero laging pinapagalitan
Masaya pero puro pero

Katulad ng mahal mo ko pero...
Pero...
Pero ano?
Puro pero...
Di na ba madudugtungan ang salitang pero?

Di ko na narinig ang kasunod ng pero mo
Sana sa susunod marinig ko na
Para malinawan ako sa lahat ng pero mo

Wag kang magalala
Okay lang ako dito,
Inipon ko ang lahat ng alaala mo para di kita makalimutan
Sana ganun ka din
Mag ingat ka dyan
Mahal kita,
Pero hanggang dito nalang.

Poem Collection (FULLY LOADED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon