Isang madilim na gabi
Ang bumalot sa akin
Wala mang katabi
Ang importante may nakakaalala sa akin
Walang paki kung ang dating sobrang sikip na higaan
Ngayon ay wala nang madadaganan
Ang dating maingay na kapaligiran
Ay binalot na ng katahimikan
Walang halaga kung may makain
Makita lang kita ay ayos na sa akin
Diko hinihiling na ika'y maging akin
Maging masaya ka lang ang tanging panalangin
Lubos na ikakasaya kung ikaw ay di na nasasaktan
Kung tunay nga ako ay iyong minahal
Sana matagal mo na akong kinalimutan
Kung ito ang gusto ng Maykapal
Ayokong makitang ika'y umiiyak
Kinikimkim ang galit
Gusto kong makita ang iyong ngiti
Sigurado ang puso ko'y labis na magagalak
Mga bakas ng luha ay pawiin na
Tapusin na natin ang mga tao, hindi bagay
Ipakita ang nararamdaman mong tunay
Bigyang paliwanag ang mga tanong na bakit
Sapagkat walang yayakap sa madilim
Malamig na ang gabi
Sapagkat ika'y katabi
Ito na ang tinatago kong lihim
Walang maganda naidudulot ang bawat isa sa atin
Kaya ngayon mas pipiliin nang mag isa
Keysa sa madilim, malamig na gabi
Pag ika'y kasama
BINABASA MO ANG
Poem Collection (FULLY LOADED)
PuisiProse, qoutes, poetry, and thoughts ~ Pasensya sa mga paulit ulit na themes at words. Try to cope up with more other emotions :) Broken kasi lola nyo bwahahaha noon. Ayoko naman itago yung past xD Dyan padin naman ako nagmula. Ako padin gumawa nun a...
