walang simula, walang tapos #10

48 1 0
                                    

Pagmamahal nga ba maituturing ang aking nararamdaman?
Kung sa simula palang puro na kabiguan
Marahil katapusan na ito kahit hindi pa naman nasisimulan.

Pagmamahal nga bang maituturing,
Ang imbis na tuwa at galak
Ay lungkot at pighati and hatid?

Pagmamahal nga bang maituturing,
Ang naputol na ugnayan
Ngunit walang paalam?

Pagmamahal nga bang maituturing,
Ang galit at selos na nararamdaman
Ay dimo naman karapatan?

Pagmamahal nga bang maituturing,
Kung ikaw lang ang nakakaalala
At siya naman ay walang paki alam?

Pagmamahal nga bang maituturing,
Kung sa likod ng pagaalala
Ay may tampong dapat suyuin?

Pagmamahal nga bang maituturing,
Kung lahat ng poot at galit ay laging papairalin
Dahil sa simpleng dahilan na di kayang aminin?

Pagmamahal nga bang maituturing,
Kung pagmamataas ay ating gagawin
Dahil sa kakulangan sa paliwanag at pagiging maunawain?

Pagmamahal nga bang maituturing,
Kung pagsisinungaling ay iyong sinasambit
Sapagkat ayaw mo lang siyang masaktan dahil sa panlolokong iyong kinakamit?

Pagmamahal nga bang maituturing,
Kung sa bawat pagtalikod niya
Ay iba ang iyong kapiling?

Pagmamahal nga bang maituturing,
Kung puro sakit at galit ang papairalin?

Hindi sapat ang ipinapakita,
Hindi sapat ang nararamdaman,
At nakikita mo kung dimo bibigyan ng chance ang mga bagay.

Di masamang subukan
Dimo alam siya na pala iyong makakatuluyan
Sayang pag dimo binigyan ng pagkakataon
Kung di pa nagsisimula ay agad mo nang tinapos.

Poem Collection (FULLY LOADED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon