May Uusad pa ba? #2

133 1 0
                                    

Ang saya magising sa umaga
Lalo na kung iyong mahal ang kasama
Kakain nang magkasabay
Kung saan saan maglakbay
Nang alam mong meron lagi sayong umaalalay
Sarap masanay
Lalo na't alam mo siya ang iyong makakasama mo habang buhay

Ngunit parang isang masalimuot na pangyayari
Nang ikaw magising na lahat ng ito'y isang panaginip
Na hinding hindi mo nang gugustuhin paulit ulitin
Dahil sakit at puot na iyong kakaharapin

Ang hirap masanay
Na sa tuwing kayo magkikita at maghihiwalay
Lagi ka niyang kinakawayan at sasabihan ng ingat ka bilang paalam
Yung taong lagi kang lalambingin pag kayo'y may pinag awayan
Yung taong palaging nandyan
'Pag ikaw'y walang masandalan

Ngunit nasaan kana?
Ako nga ba iyong pinaasa?
Sa salita mong kapanipaniwala?
Kailangan ko na ba sumuko?
Dahil sabi nila lahat ng pangako ay napapako?
Ang hirap umasa, dahil alam kong wala akong panghahawakan.
Panghahawakan na ako ay iyong babalikan
Mula sa araw na ikaw ay lumisan
Sa lugar kung saan ako'y iyong minahal ng walang hanggan.
Ngunit ito na ba ang katapusan?
Katapusan nang walang hanggan?
Katapusan ng iyong pagmamahal?
Na minsan ako'y nilinlang, pinaasa at sinaktan?

Kaya ko pa bang paniwalaan
Ang salitang ikaw lang
Kung ikaw'y lumisan, nang wala man lang paalam
Paalam na aking hinihintay
Na nais kong iyong mabanggit
Dahil ang aking damdamin ay biningit
Sa ereng na akala ko'y langit
Hanggang kelan aasa sa isang panaginip
Na sa aking isip
Hanggang kelan mananaginip?

Kailangan ko na bang tapusin ang nasimulan
Tumakbo at lumisan
Kung saan ako ay iyong iniwan na luhaan
Kailangan ko na bang lumakad para iwan ang nakaraan at salubungin ang kinabukasan
Tila ang hirap isipin na ako'y mabubuhay na wala ka sa tabi
Hanggang dito nalang ba? O may uusad pa ba?

Poem Collection (FULLY LOADED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon