nang muli akong lumuha #41

30 1 0
                                    

Bakit ganito ang nadarama
Pagka poot tuwing ikaw ay naaalala
Tila kilos mo ay naiba
O sadyang ako lang ito

Ako lang itong nasanay na ganyan ka sakin
At ngayon na ikaw ay lumayo nang aking sabihin
Na kahit diko iyon gustong gawin
Tila ninakaw na sakin ang tadhana

Tinakbo at winala sa kalawakang diko maaring puntahan
Mahawakan o masilayan man lang
Ganung kasakit pag ikaw'y malapit sakin
Na sana di nalang nangyari

Sa tuwing mag isa
Mukha mo aking nakikita
Kahit pilit binubura
Mata'y napupuno ng luha

Magkahalong saya at lungkot ang nadarama
Masaya dahil nasilayan kang muli
Malungkot dahil sa isip lang uli
Araw araw, pa ulit ulit na nasasaktan

Sana ito na ay mawakasan
Ayoko nang lumuha't masaktan
Kahit na ikaw yung nagsabing maganda ako pag naka ngiti
Pag ikaw naman ay naaalala lahat ito'y napapawi

Ito nanaman ang isa sa mga araw na sunod sunod ang patak ng luha
Mula sa mata, sakit ng pag pintig ng puso
Tuwing ikaw naalala
Diko malimutan bawat detalye

At tandang tanda ko pa ang lahat ng nangyari...

Ang lahat lahat...

Ang lahat ng nangyari...

Poem Collection (FULLY LOADED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon