Santo Santito Santita #16

37 1 0
                                    

Sing puti ng asin
Sing kintab ng perlas
Sing tamis ng asukal
Mga bagay na bumabagay sa katangian mo

Unang nakita, nasilayan ang kagandahan sa sakayan
Kasama ang barkada ikaw ay aking nakilala
Tahimik kung tawagin
Ngunit maingay kung tutuusin

Ang sabi nila di daw pwede ang madali sa mahirap
Ngunit kung paghihirap ay may kapalit na marapat
Ang taong ito ay dapat mapunta sa karapatdapat
Ngunit kung iisipin isa lang itong malayong pangarap

Ngunit ayoko ipilit kung alam ko naman may iba laman
Ayokong magmahal ng tayong may siya lang
Mahirap magmahal ng may sabit
Di lang masakit, nagmumukha ka pang kabit

Nakilala kita hindi dahil sa iyong kagandahang ipinakita't ipinamalas
Nakikilala kita dahil sa pagiging natural at mababa
At makikilala kita sa kung ano ka

Di sapat na dahilan ang nakita kita para ako ay mapaibig
Ngunit ikaw'y napansin dahil sa iyong mga titig
Ang mga mata puno ng pagibig
At sana ito'y iyong marinig
Sa tamang panahon kung saan tayo nararapat at karapatdat sa pagibig na dapat para sa atin.

Poem Collection (FULLY LOADED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon