Bakit ang hirap magpasok kaysa maglabas?
Minsan naring bang pumasok sa isip mo?
Pero parang nilulumot yung utak mo?
Alam mo ba yung tinutukoy ko?Tulad ng pagpasok ng electric fan namin sa kwarto
Mas madali pa itong ilabas
Minsan kasi maraming hadlang bago mo maipasok
Minsan yung pinto, pilit na sinasaradoMinsan din naman mas madaling magpasok
Tulad ng ulam sa freezer
Pag ilalabas mo ayaw magpalabas
Kasi dumikit na at nagyeloParang yung puso mo na naging bato
Yung kasing tigas ng katawan mo
Ang hirap magpalambot
Kung ang rurok ng apoy iyong maabotPero nainisip niyo narin ba ang iniisip ko?
Yung ang daling pumasok sa isang sitwasyong di mo kayang panindigan?
Yung gaano mo kadaling ipinasok ganun mo lang din kadaling lalabasan?
Yung iiwan mo siyang luhaan may libre pang responsibilidad?Isang punto, hindi kahalayan ang gustong ipalabas
Isang aral, ang gusto kong ipasok
Isang gabay, para sa mga kabataan na hindi puro lang sarap
Isang kaisipan, na dapat nang mataposAng hirap ay ating nang palayain
Nang ang ating bayan ay pagyamanin
Hindi sa populasyon
Kundi sa mga batang wasto ang nutrisyon.

BINABASA MO ANG
Poem Collection (FULLY LOADED)
PuisiProse, qoutes, poetry, and thoughts ~ Pasensya sa mga paulit ulit na themes at words. Try to cope up with more other emotions :) Broken kasi lola nyo bwahahaha noon. Ayoko naman itago yung past xD Dyan padin naman ako nagmula. Ako padin gumawa nun a...