mema #18

26 2 0
                                    

Manuod,
Isang aktibidad na kaya kong gawin para sayo
Isa akong hangin
Walang nakakakita, ngunit nararamdaman

Kaya kong, buhayin ka
Ngunit dimo ko kayang buhayin
Kapag wala ako, mamamatay ka
Kayang kaya mo kong himayin

Dimo ko kayang wala sa tabi mo
Pero kaya kong wala ka sa tabi ko
Kung gayon bakit di kita maiwan
Bakit di kita mabitawan

Hanggang kailan ako magiging hangin sayo
Hanggang kailan ako magiging kaibigan mo
Hanggang kailan ako ang iiyakan mo
Hanggang kailan ka magsasabi ng problema mo

Hindi ba pwede ako naman ang pakinggan mo
Ang sinisigaw ng puso ko
Na walang bukang bibig kundi ang pangalan mo
Ang hirap pasunurin ng puso ko
Lalo na kung walang kang ginawa kundi ang lapitan ako

Poem Collection (FULLY LOADED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon