Nang Minsang Umasa #39

25 1 0
                                    

Nakikita mo to
Ako to
Ako to yung babaeng pinaasa mo
Pinaasa sa sinabing babalikan mo

Siguro nga tanga ako
Tangang umaasa sayo
Pero tandaan mo
Ako yung taong tapat na nagmamahal sayo

Siguro nga mali ako
Pero sa lahat ng ito puro tanong parin ang nasa isip ko
Masama bang magpakatanga sa tulad mo?
Mali bang umibig sa isang tulad mo?

Siguro nga malaki ang mundo
Na di mo ako nakita ang marahil na dahilan mo
Naging maliit naman para siya'y ibigin mo
Ang kaisa isang kaibigan ko

Mali sa tingin ng iba
Ngunit mali rin bang ibigin mo siya?
Hindi siguro, dahil masaya ka habang kasama mo siya
At eto ako nakikita kang masaya

Masaya sa piling ng iba
Mga kamay na hawak niya
Mga mata'y nakahinang sa kaniya
At naglalakad ng may tuwa

Tuwa na dulot niya
Dulot niya

Ang sakit isipin na kahit gaano pa katagal na tayo'y magkasama
Ngayon lang kita nakitang ganyan kasaya
Sana nagawa mo rin yan nang ako pa ang iyong kapiling
Sana pinaramdam mo rin sakin na minsan ka ding naging masaya saking piling

Masayang makita kang masaya
Kay lungkot dahil sa piling ng iba mo ito nadarama
Nakakatuwa dahil nakita mo na siya
Nakakaiyak dahil ito ay may saglit na poot na dala

Malaya kana sa piling niya
Sana makalaya nadin ako sa hawlang binuo mo na para pala sa kanya
Sana palayain nadin ako ng puso kong minsan nang umasa
Sayo, akin at sa tayo.

Poem Collection (FULLY LOADED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon