Mga labing nakakaakit
Mga yakap na nakakasabik
Kailan makakamit
Ang mga pangarap na halik?
Sa kanyang bilugang mata
Kaseryosohan ay iyong makikita
Ngiting mahirap makita
Bungisngis na mahirap makuha
Ang gitara, piano at drums na nais kong makita
Dahil sa talentong inyong kayang ipakita
Bugso ng damdamin di mapigilan
Kung kayo na ang paguusapan
Makintab na mga ngiti
Sa inyo ay nakikita
Matataas na nota
Ay maaabot na tila mga tala
Pinamumunuan ng isang magaling na lider
Kaya't ang mga member ay good follower
Di lang gwapo, sa kantahan siya'y nangunguna
At pagdating sa pera ay magtatago na
Kilay mo'y nakakabilib
Kinagigilawan na kala mo'y baby
Baby na naghahanap ng kanyang mommy
Kakulitan ay di maikukubli
Pagsayaw na hilig
Ay isang natural na talento
Isang regalo sa katulad nyo
Sana dumating ang taong deserve talaga nyo
Style na kulot ang buhok ay sa iyo'y bagay
Maaaring bang ito'y wag mo nang iwagayway
Dahil magiging asset ito para dumami ang kaaway
Pero sa inyo ako habang buhay
BINABASA MO ANG
Poem Collection (FULLY LOADED)
PoesíaProse, qoutes, poetry, and thoughts ~ Pasensya sa mga paulit ulit na themes at words. Try to cope up with more other emotions :) Broken kasi lola nyo bwahahaha noon. Ayoko naman itago yung past xD Dyan padin naman ako nagmula. Ako padin gumawa nun a...
