Panahong lumipas
Sim-bilis ng nakalipas
Kahit nagdaan na, patuloy paring nabubuhay
Kahit patay na patuloy paring pinapatay
Tulad ng damdamin kong sing tanda ng sinauna
Kahit na ngayon hindi parin inuuna
Palaging mamaya na
Bukas na, hanggang sa nakalimutan na
Pagtitimpi ang aking kakampi
Pasensya dahil ako'y nagagapi
Ng aking damdaming
Mas malakas pa keysa sa akin
Kay hirap sumugal sa labang
Alam ko naman ako ang talo
Ngunit pinagpatuloy ko para sayo
Marahil tanga nga ako, tanga para sayo
Ngunit kung titingnan ng mabuti
Ako ang alipin at ikaw ang sangguni
Kahit sinabi mong 'wag mo kong mahalin'
Patuloy ko parin ginawa dahil sa damdamin kong mas pasaway pa sakin
Kahit sa nagdaang taon
Kahit palihim
Kahit walang pagkakataon
Kahit masakit
Minahal ko ang tulad ko,
Tulad kong tanga.
Tanga para sa mahal niya.
BINABASA MO ANG
Poem Collection (FULLY LOADED)
PoesíaProse, qoutes, poetry, and thoughts ~ Pasensya sa mga paulit ulit na themes at words. Try to cope up with more other emotions :) Broken kasi lola nyo bwahahaha noon. Ayoko naman itago yung past xD Dyan padin naman ako nagmula. Ako padin gumawa nun a...
