Isang salamin
Sa bawat matang nakatingin
Nakikita ang bawat damdamin
Bakit ang sayo'y tila ang hirap asamin?
Ang hirap mabasa
Ang mga mata nangungusap
Parang sa langit na mga tala
Mga lumulutang na bato sa kalawakan
Tila kay layo
Ngunit ikaw naman ay nasa tabi
Tila ang hirap abutin
Ngunit ikaw ay aking'y abot kamay
Hindi makatingin sa iyong obra
Natatakot na ako'y mayroong mabasa
Mabasang kakaiba
At hindi kaakitakit
Mga tanong na di karapatdapat sagutin
Mga kilos mong bumabagabag sakin
Mga salita mong paulit ulit naririnig
Mga bagay na pumapasok saking isip
Mga bagay na walang kasiguraduhan
Mga bagay na masarap sa pandinig
Ngunit isang perpektong buhay
Na mahirap makamit
Isang salitang nagpagising saking diwa
Mga magagaang haplos na dumampi
Na kailanman ay hindi magagapi
At tila napaso sa mainit na kawa
Nang lumabas sa iyong bibig
Ang mga ingay na di marinig
Mga salitang walang kahulugan
Dahil ang lahat ay pawang laro lamang
Tapos na ang lahat
Dali daling tumakbo at lumayo
Patungo sa lugar kung saan ka nang galing
Ang iyong tahanang walang ka hambing
Sa brasong maiinit
Sa yakap na nakakasabik
At halik sa noo sa iyong pagbalik
Ng iyong inang walang halagang kapalit
"Tahan na anak."
Ang kanyang sambit
BINABASA MO ANG
Poem Collection (FULLY LOADED)
PoesiaProse, qoutes, poetry, and thoughts ~ Pasensya sa mga paulit ulit na themes at words. Try to cope up with more other emotions :) Broken kasi lola nyo bwahahaha noon. Ayoko naman itago yung past xD Dyan padin naman ako nagmula. Ako padin gumawa nun a...
