Minsan #29

37 1 0
                                    

Nais kong gumawa ng tula para sayo
Para mailabas itong dinaramdam ng puso ko
Na anu mang oras ay pwepwedeng sumabog
Dahil ang presensya mo ay nambubulabog

Itong awit ng aking damdamin
Ay nais kong sa harapan mo aking sambitin
Walang halong alinglangan
Sapagkat pawang katotohanan

Ayokong makita mo itong nakakatawa
Dahil ang puso ko'y nagwawala
Hindi dahil ito'y masaya,
Dahil sobrang kaba aking nadarama

Mayat maya ikaw ang hanap ng aking mga mata
Di dahil gusto kita makita
Kundi dahil gusto ko maging masigla
Dahil pag kaharap kita, di ko kailangan magpanggap katulad nila

Kaharap ka, sila at ang madla
Katabi mo siya
Kasama mo siya
Hawak mo siya

Tila huminto ang oras
Lahat na ginamit na bantas
Ito nga ba ay lilipas?
Kailan kaya ito kukupas?

Sawa na sa bawat patak
Sa bawat kirot
Sa bawat hapdi
Na nararamdaman nitong puso

Maaari na ba ito na ang hangganan?
Pwede na ba na ito na ang katapusan?
Dahil gusto ko na itong wakasan
Para ang pagka hulog ay pigilan

Dahil hindi lang masakit
Ito ay nakakamanhid
Ayokong dumating yung araw na diko na maramdaman ang damdaming nakaka akit
Boses na nakakapagpatindig

Huli, ngunit nauna ko nang sinabing
"Naiiba ka sa kanila,"
Dahil sayo nalaman ko ang pinagkaiba ng
"Mahal kita" sa "Minahal kita"
Ngunit ang katapusan "nang dimo nalalaman."

~~~
Kung nagtataka kayo kung bakit 28 na kasunod sinusulat ko pa kasi yung 25-27 hahaha mas nauna natapos to so post na!

Poem Collection (FULLY LOADED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon