Para sayo #8

59 4 4
                                    

Isang tula ay aking sinulat
Para sa paborito kong manunulat
Na sa bawat librong aking binuklat
Pangalan mo ang aking hinahanap

Nais kong malaman mo
Na iyong mga gawa ay labis kong hinahanganan
At sa bawat update ay aking tinututukan
Kwento ng trolls nabigay sakin ng labis na kaligayahan

Pagmamahal ko sa iyong obra
Ay sobra sobra
Di man kasing lalim ng iba
Na always present sa meet up
At meron tshirt, libro at iba pa

Kailan ko kaya mabibili ang aklat na iyong napirmahan?
Kailan ko kaya masisilayan ang iyong kagandahan ng harapan?
Ang yong ngiting kayang ipakita kahit nahihirapan
Ang mahiwaga mong kamay na lumikha't nagdala sakin sa ibang kalawakan
Lahat ng ito'y tila palaisipan.

Dahil isa lang ako taga hangang
Pinagkaitan ng kapalaran
Na binigyang kakayahan
Upang manuod, magbasa at magsulat

Itong tulang ito,
Ang nagbigay daan upang masabi ko
Na lubos ako nagpapasalamat sa iyo
Ang codename ko ang nagpapaalala na ikaw ang naging inspirasyon ko.

Ang Inang pusa sa buhay ko,
TheCatWhoDoesntMeow ng buhay ko.

Poem Collection (FULLY LOADED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon