Ako o Ikaw? o Ako at Ikaw? #9

44 2 0
                                    

Ang pighati ng aking nararamdaman
Ay walang wala sa galit na iyong dinaramdam
Bakit tila ikaw pa ang nawalan?
Kung ako sa umpisa palang ang nasaktan

Bakit labis na poot sakin naramdaman?
Dahil ba sa aking ka-isnaberahan?
Ngunit ito'y isang maliit na parte lamang ng aking tampo-tampuhan
Bakit lubos mo itong dinamandam?

Nais kong magmukmok at umiyak sa isang sulok
Dahil sa kalupitan mong magsalita
Ikaw nga ba'y walang awa
O ako lang itong iyakin bata

Ang hirap mong buruin
Na kala mong buong buhay kang pinaglaruan
Pero dimo ba nararamdaman
Ako ay labis na naaapektuhan

Pag sa iyong trip
Ako'y sumasakay sa kahit saan man dalhin
Ako ay sumasabay
Ngunit pag tumaob ang bangka
Ako ba iyong sasagipin?

Tila kay sakit isipin
Na gustong gusto kitang baliwalain
Ngunit diko kayang mawala ka sakin
Diko alam ang nararamdaman ko para sayo ba o para sa akin?

Isa lang ang dapat piliin
Nakakasama sa akin at nakakabuti sa atin
O nakakabuti sakin at nakakasama sa atin

Ikaw o ako?
O ako at ikaw?

Sana nga ako nalang nang di nako ganitong nasasaktan.

Poem Collection (FULLY LOADED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon